“PANGET! Hurry up! I’m late.”
Dinig kong sigaw niya sa ’kin. Nagmamadali naman akong lumabas ng kuwarto ko habang nagsusuklay ng buhok ko. Tiningnan ko pa siya ng masama!
“Ano ba ’yan, hindi makapaghintay!” reklamo ko pa sa kaniya. “Sabi ko naman sa ’yo hindi na ako sasama, e!” dagdag ko pa habang naglalakad palapit sa kaniya at panay pa rin ang suklay sa buhok ko na medyo basa pa.
Nagsalubong naman ang mga kilay niya. “Seriously? You’re not done? I was waiting for you for more than an hour.” Pagsusungit niya.
Inirapan ko lang siya saka tinapos na ang pagsusuklay ko. Tinapon ko pa sa sofa ang suklay na ginamit ko. “Correction... fifty nine minutes lang. Tara na!” saad ko sa kaniya at nagpatiuna na akong lumabas ng condo.
Narinig ko naman siyang parang bumubulong-bulong habang nakasunod sa ’kin. Hinarap ko siya ng nakataas ang kilay ko. “May binubulong ka?” mataray na tanong ko sa kaniya.
Mabilis naman siyang ngumiti saka ako nilagpasan. “Did you hear me talking?”
Napabuntong-hininga na lang din ako nang malalim at sumunod na sa kaniya.
“Let’s go panget!” aniya nang makasakay na siya sa elevator.
Ito na naman tayo! Kaya ayoko na sumama sa kaniya kasi ayokong sumakay na naman diyan, e! Pero sa huli... walang imik na sumakay na lamang ako at pumuwesto sa gilid.
“Bakit?” iritang tanong ko sa kaniya nang makita kong nakangiti siya sa akin ng nakakaloko.
“Nothing! Come here.” Aniya at bigla akong kinabig palapit sa kaniya at niyakap ako.
Imbes na umangal sa ginawa niya ay gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya. Mahigpit na yakap na para bang sa kaniya nakasalalay ang buhay ngayon. Napangiti rin ako habang nalalanghap ko ang mabango niyang perfume habang nakasubsob ako sa dibdib niya.
“Why are you smiling, panget?”
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “Wala lang! Naisip ko kasi, masarap pala sumakay ng elevator lalo na kapag ganito at may kayakap,” nakangiting sagot ko sa kaniya.
Bahagya naman niyang kinurot ang pisngi ko. “Tss, crazy! Nananantsing ka lang sa ’kin, e!” tumawa pa siya ng pagak.
“Aba! E, sino ba ang unang yumakap, huh? Hindi ba’t ikaw? Ikaw ang dumada-moves diyan kahit hindi pa naman kita jowa.” Nakangusong saad ko sa kaniya.
Tumawa lamang siya ulit dahil sa sinabi ko.
Aminado akong mahal ko na siya kahit maikling panahon pa lamang simula nang magkakilala at magkasama kami. Pero puwede naman siguro magpakipot muna bago ko siya sagutin, hindi ba? Aba! E, first boyfriend ko kaya siya kung sakali kaya gusto ko maranasan manlang ang maligawan!
Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi... nang magtapat siya sa akin na gusto niya raw ako kaya nagseselos siya sa tuwing may kausap akong ibang lalaki... hindi na nawala ang kilig at kaligayahan sa puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang magugustohan nga ako ni Caspian. Pero, sinabi ko sa kaniya na gusto kong ligawan niya muna ako bago niya ako maging girlfriend. Ah, ang swerte naman niya kung ganoon lang kadali na makukuha niya ako!
Habang nasa byahe na kami, nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti naman siya habang nakatuon ang paningin niya sa unahan ng sasakyan.
Napangiti na lang din ako ng matamis. s**t! Kinikilig ako, e! Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Mas sanay na ako na lagi siyang nakasimangot at nakasigaw sa ’kin.
Minsan pa ay hahalikan niya ang likod ng kamay ko. Pipisilpisilin niya ang palad ko.
Ewan ko kung ano ang trip ng sungit na ito!
“Baka mabangga tayo dahil diyan sa kaharutan mo, Kamahalan.” Nakangiti at kinikilig na saad ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin saka ako kinindatan. Kung dukutin ko kaya ang mata niya? Kumikindat pa, e! Kinikilig na nga ako nang husto rito, e!
“Ewan ko sa ’yo!” tumawa na lang ako nang ngumuso siya sa akin at umaktong humalik sa hangin.
’Yong Caspian na nakilala kong nakasigaw at bugnutin... hindi ko akalain na may ganito palang ugali na itinatago. Parang isip bata. Makulit!
“Babe!” saad niya sa ’kin mayamaya.
Nangunot naman ang noo ko nang muli akong mapatingin sa kaniya.
Puwede ko bang bawiin ’yong sinabi ko kanina na magpapakipot muna ako bago ko siya sagutin? Puwede naman niya akong ligawan habang kami na! Nakakaasar lang kasi. Mas guwapo siya sa paningin ko ngayon!
“Babe ka riyan,” kinikilig na sabi ko sa kaniya.
“Bakit ayaw mo ba?” tanong niya. “Ano ang gusto mong itawag ko sa ’yo kapag naging tayo na? Mmm! Mahal. Love. Sweetheart. Honey. Mylove. Wifey. Mhine—”
“Yuck ang badoy!” natawa ako sa huli niyang sinabi. Nakakapangilabot kasi kapag nakakadinig ako ng Mhine na ’yan. Pabebe masiyado.
“I heard it from Hermes.” Aniya.
“Okay na ako sa babe.” Nakangiting saad ko.
Tumingin naman siya sa akin saka biglang inihinto ang kotse niya. “So you mean... payag ka ng maging girlfriend ko?” seryosong tanong niya sa akin.
Bahala na, Sinag! Mahal mo naman siya, e!
“Oo na! Payag na ako maging girlfriend mo.”
Tumahimik siya ng ilang segundo habang nakatitig lamang sa mga mata ko. Pero mayamaya ay nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at walang sabi-sabi na hinalikan ako sa mga labi ko. Napapikit na lamang nang mariin ang aking mga mata.
“Payag na ako!” saad ko habang hinahabol ang paghinga ko nang pakawalan niya ang mga labi ko. “Basta ba wala na akong utang sa ’yo!” tumatawang pagbibiro ko sa kaniya.
Rumihestro naman ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko. Ipinagsalikop niya ang mga palad namin. Saglit niyang hinalikan ang likod ng mga palad ko pagkuwa’y muling pinakatitigan ang aking mga mata. “Wala ka ng utang sa ’kin,” sabi niya. “Pero kapag iniwan mo ako... sisingilin ulit kita, understand?”
“Daya naman!” kunwari’y nakangusong saad ko sa kaniya.
Tumawa siya ng pagak. “You’re mine now, panget. Wala ng bawian. Akin ka na, okay?” aniya saka muling ginawaran ng masuyo at matamis na halik ang aking mga labi.
Napapikit akong muli at tinugon ang mga halik niyang iyon.
Mayamaya, pareho pa kaming nagulat at bumitaw sa halik na pinagsasaluhan namin nang marinig namin ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan na nasa likuran ng kotse niya.
“Tss isturbo!” inis na saad niya. “Don’t mind them, babe.” Saad niya at akmang hahalikan ulit ako pero pinigilan ko siya.
Bahagya ko siyang itinulak sa mukha niya para hindi niya ako mahalikan ulit. “Ano ka ba... nasa gitna tayo ng high way. Baka puwedeng mamaya na lang.” Natatawang saway ko sa kaniya. Naadik na rin ata ito sa halik ko, e!
“Mamaya, in my office.” Nag taas-baba pa ang mga kilay niya habang nakangiti ng pilyo sa akin at muling pinatakbo ang sasakyan niya.
“GOOD MORNING SIR!”
Nakangiting bati sa kaniya ng mga empleyado niyang nakakasalubong namin sa hallway. Puro ngiti at tango lang naman ang ginagawa niya.
At kung siguro nakakamatay lang ang titig ng mga tauhan niya, kanina pa ako nakahandusay sa sahig. Pagkapasok pa lamang namin sa entrance, iba na ang mga titig sa akin ng mga babaeng nakakasalubong namin.
Paano... hawak ako sa baywang ni Kamahalan. Inaalalayan niya ako sa paglalakad na para bang hindi ko kayang maglakad ng mag-isa.
“Don’t mind them, babe!” bulong niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Siguro naramdaman niyang naiilang ako sa mga tauhan niya.
Hanggang sa makarating kami sa opisina niya.
“Ano pala gagawin ko rito, Kamahalan?” tanong ko nang makaupo na siya sa swivel chair niya at nakatayo naman ako sa harap ng lamesa niya.
“Be my lady guard.” Nakangiting saad niya.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. “Huh?” takang tanong ko.
“Hi baby King!” bungad ng isang babae na kakapasok lang sa opisina niya.
Napalingon ako rito. Sobrang ikse ng damit na halos iluwa na ang dibdib at puwet nito sa sobrang hapit din niyon. Pakinding-kinding pa itong naglakad palapit sa lamesa ni Kamahalan.
“I missed you!” anang maarteng babae at akmang lalapit pa sana kay Kamahalan nang harangin ko ito bigla. Tiningnan naman ako nito ng nakataas ang isang kilay. “Excuse me. Dadaan ako.” Saad nito sa akin.
“Bakit?” tumaas din ang isang kilay ko at namaywang pa ako.
“Duh! Who are you by the way? His yaya?”
Ngumiti naman ako ng nakaloloko. “Oo,” sagot ko. “At girlfriend niya rin ako kaya huwag mo na ituloy ’yang balak mong gawin at baka lumabas ka rito ng wala ng damit,” mariing sabi ko pa. “Now, go!” pagtataboy ko sa maarteng ito. Napapa-inglis tuloy ako ng wala sa oras, e!
Kita ko ang pagkunot ng noo nito at galit na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pero mayamay ay ngumisi ito sa akin na para bang ayaw maniwala sa mga sinabi ko.
“Really? You’re his girlfriend?” nang-uuyam na tanong nito. “Are you kidding me?”
Ang sarap sapukin sa bibig ang babaeng ito para mas lalong mamula ang mga labi nito, e! Tss! Lumingon ako kay Caspian na nakangiting nakatingin sa amin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko kaya kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin saka hinapit ako sa baywang.
“She’s my girlfriend... so you can leave. Now!” saad niya sa babae.
“Argh! I hate you baby King. I hate you!” pagmamaktol nito at mabilis na lumabas ng opisina niya.
“Baby King pala, huh!” anas ko.
“I love you, Sinag ko!” nakangiting sabi niya saka ako lalong hinapit sa baywang ko.
Gusto kong tumili dahil sa kilig nang sabihin niya ang mga katagang iyon... pero nagkunwari na lang ako na inis sa kaniya dahil sa babaeng ’yon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon at kung ano ang magawa ko sa lalaking ito, e! Ako pa ang unang magkasala sa aming dalawa.
“Tss! Ewan ko sa ’yo.”
“This is our first day, but you’re already jealous,” sabi niya at hinila ako sa kamay upang lumabas ng opisina niya. “Let’s go.”
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“In my private place. And I’ll make you pregnant so you won’t be jealous.” Saad niya.
Walang-hiya! Kahit papaano nakakaintindi ako ng english, ano! At naintindihan ko ang sinabi ng loko na ito! Wala sa sariling pinalo ko siya sa braso niya. Kung anu-ano kasi ang kalokohan, e! Nag-init tuloy agad ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
“Naman kasi, e!” inis kong saad sa kaniya.
Tumawa na naman siya. “Para sure ka na sa akin. I’m all yours, my love.” Saad pa niya at kumindat pa nang lingunin niya ako. “Selosa pala talaga ang girlfriend ko. I love you, babe.” At ipinagsalikop niya ang mga palad namin.
Lihim na lamang akong napangiti ng malapad. Parang sasabog ata ang puso ko ngayon dahil sa labis na kilig at tuwa.
“SIT BESIDE ME, LOVE!” aniya nang makita niya akong lumabas mula sa kusina. Nasa sala siya at nanunuod ng palabas.
Naglakad naman ako palapit sa kaniya. Bigla niya akong hinila sa kamay kaya napaupo ako sa kandungan niya.
“Ano ba ’yan! Puwede naman sa tabi mo na lang ako umupo, Kamahalan, e!” reklamo ko sa kaniya.
“But I want you to sit on my lap, love.” Aniya at niyakap pa ako nang mahigpit.
Nanunuod ba talaga ’to o nangmamanyak lang sa akin?
“And stop calling me that way, okay?” mayamaya ay saad niya sa akin. “Just call me Caspian. Not Kamahalan.”
E, paano naman kasi, naiilang ako na tawagin siyang babe o sa pangalan niya. Hindi ako sanay!
“Kamahalan naman kasi talaga ang pangalan mo, e!” nakangiting sagot ko sa kaniya.
Ngumuso naman siya. Tss! Ang cute naman ng loko, nakakagigil!
“It’s not my name. Just don’t call me that way or else I’ll kiss you.”
“Kamahalan na—”
Natahimik ako bigla nang kabigin niya ang batok ko at bigla niyang sakupin ang mga labi ko. Matagal na halik ang ibinigay niya sa akin na halos maputol na ang hininga ko. Tinutuo nga ng loko!
“Just tell me if you want me to kiss you. You don’t have to make an effort to call me Kamahalan just to taste my lips, my love.” Pinasadahan pa ng dila niya ang pang ibabang labi niya at kumindat sa akin.
Naramdaman ko na namang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi at ginawa niya. Pero hindi ko rin napigilan ang mapangiti nang malapad. “Yabang!” natatawang saad ko na lang sa kaniya. Pero ’yong totoo... sinadya ko talaga na tawagin siyang Kamahalan para lang mahalikan niya ako ulit. Siyempre, siya lang ba ang marunong duma-moves? Aba, ako rin ano! “Wait nga... sa tabi mo lang ako uupo dahil may bulate kasi akong nasasagi sa ibaba mo, e!” sabi ko nang mayamaya ay may naramdaman akong matigas na bagay na umuumbok sa inuupuan ko.
Napatigil naman siya sa pagngiti niya at biglang tunalim ang tinging ipinukol sa akin.
Gusto kong matawa dahil sa naging hitsura niya ngayon. Pikunin, e!
“Bakit?” tanong ko habang nagpipigil ng tawa ko.
“It’s not a worm, babe.” Inis na saad niya at binitawan ang baywang ko.
Hindi ko na napigilan ang matawa nang malakas. “Hindi ba? Baka mali lang ata ako ng tingin no’ng nakaraan.”
Hindi pa rin nawala ang matalim niyang tingin sa akin pagkuwa’y tumayo siya sa puwesto niya.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
Pero hindi naman siya sumagot. Sa halip ay pumasok siya sa kuwarto niya. Tingnan mo ang lokong iyon... iniwan talaga ako mag-isa! E, bulate ang nasa isipan ko!
“Ayaw mo na akong kausap?” sigaw ko mula sa labas ng kuwarto niya.
“No.”
“Talaga?”
“Yeah.”
“Sure ka, huh?” sigaw ko ulit. Pero wala na akong narinig na tugon mula sa kaniya. “Sure ka ba talaga? Kasi... okay! Goodnight, bulate. Este—babe.” Pang-aasar ko pa saka naglakad na rin papasok sa kabilang kuwarto. “Ang arte! Pikunin naman!” natatawang bulong ko habang inaayos ang higaan ko.
At pahiga na sana ako nang marinig ko naman ang mahihinang katok sa labas ng pinto. Napangiti ako nang mapagbuksan ko siya.
“Marunong ka naman pa lang kumatok.” Bungad na saad ko sa kaniya.
“Okay fine!” aniya saka walang paalam na naglakad papasok sa kwarto ko.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko nag sundan ko siya ng tingin. “Teka! Saan ka? Bakit may dala kang unan?” takang tanong ko nang mauna pa siya sa ’kin na humiga sa kama ko.
“I will sleep here,” sabi niya. “Come here, babe I’m sleepy.” At patihayang humiga siya.
Aba ang loko! Ang liit na nga ng kama ko, paano kami magkakasiya? Saan ako hihiga e, sa laki niyang tao wala ng space ang kama ko.
Naglakad ako palapit sa kama ko at namaywang na tinitigan ko siya. “At saan naman ako matutulog kung nandiyan ka?” tanong ko. “Kalaki-laki ng kuwarto mo at naisipan mo pang dito ka matutulog?”
“Ayoko roon, wala akong kasama, e! I want to sleep beside you.”
“Nako! Nako! Parang alam ko na ’yang style mo,” sabi ko. “Tapos ano, mamanyakin mo ako?” tanong ko at tinaasan ko pa siya ng isang kilay ko.
Ngumiti naman siya sa akin ng nakaloloko.
Sabi na nga ba, e! Nalintikan na!
“You guess it right, my love. You’re so bright.” Saad niya na nagtaas-baba pa ang kaniyang mga kilay.
Talaga naman ang lalaking ito! Unang araw pa lamang namin tapos iyon na ang nasa isipan niya. Kung sabagay ay mahilig nga pala siya sa mga clown dati kaya hindi na dapat ako magtaka kung ngayon ay ako naman ang mamanyakin niya!
Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Sorry ka na lang at hindi puwede,” sabi ko sa kaniya.
Nawala naman bigla ang ngiti sa mga labi niya at umupo sa kama. Nagsalubong pa ang kaniyang mga kilay.
“Please!” parang bata na kay amo ng mukha niya at nagpapa-cute pa. “Babe!” malambing na saad niya sa akin.
Inaasahan ko na talaga ang bagay na ito! Inaasahan ko ng mangungulit siya sa akin para pagbigyan ko ang kahilingan niya! Muli akong napabuntong-hininga nang malalim at naglakad na palapit sa kama ko.
“Aw! Ang cute ng boyfriend ko,” sabi ko. Walang-hiya! Kahit ako kinikilig sa mga sinabi ko. Nakangiti akong umupo sa tabi niya at ginulo ko pa ang buhok niya. Nagpa-cute siyang lalo sa akin. Parang baliw itong sungit na ito! Nakakatawa ang hitsura niya. “Pero hindi talaga puwede. First day ko ngayon, e!” nakangiting saad ko sa kaniya mayamaya.
“What?”
“Red alert. Kaya hindi puwede.”
“How many days, babe?” tanong pa niya.
Walang-hiya naman at masiyadong diskumpiyado!
“Limang araw.”
“What? That long?”
Gusto kong pumalatak sa tawa ng mapangiwi siya dahil sa sinabi ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi magtampo siya. Iba pa naman ang toyo ng lalaking ito.
“Grabe ang takaw mo! Araw-araw ka nga may dalang babae rito no’ng nakaraan, e!” saad ko sa kaniya.
“Ang tagal naman kasi ng five days, babe.” Aniya at bumuntong-hininga nang malalim. “Come here, let”s sleep.” Saad na lamang niya at hinapit ako sa baywang at hinila na pahiga sa tabi niya.
“Hindi naman tayo kasiya rito, e!” reklamo ko sa kaniya.
“Kasiya tayo, babe. Look.” Aniya at niyakap ako nang mahigpit.
Napangiti na lang ako sa kaniya saka gumanti ng yakap at sumubsob sa leeg niya. Ang sarap pala matulog kapag may kayakap! Parang gugustihin mo na lang na matulog lagi lalo pa kung ganito kagwapo at kabango ang yayakap sa ’yo.
“Goodnight, Kamahalan ko!”
“Goodnight, Sinag ko. I love you!”
“Mahal kita!” mas lalo pa akong sumiksik sa leeg niya nang maramdaman ko ang masuyong paghalik niya sa noo ko at mas lalo pa akong niyakap.