9th Chapter

1412 Words
NILINGON ni Tyra si Colin na nasa passenger's seat matapos niyang i-park ang kotse niya. "Ready, Colin?" Ngumiti ito, pero halatang kabado. "Para akong sira. Mas kinakabahan pa ko ngayon kaysa noong first day ko sa university natin." Tinapik niya ito sa balikat. "Excited ka lang siguro." Natawa ito. Mas naging relaxed na ang itsura nito. "I guess you're right. Excited nga ako." Nilapat nito ang kamay nito sa dibdib nito. "Ah, my heart won't stop beating fast." "Really?" "Oo, pakinggan mo." Sa kanyang pagkagulat, inakbayan siya ni Colin pagkatapos ay kinabig pahilig sa dibdib nito. Dumikit ang kanang pisngi niya sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. Totoo ngang mabilis at malakas ang t***k ng puso nito. Napangiti siya. "You must be really happy right now." "Oo naman. Ngayon lang uli ako naging ganito kasaya." Tiningala niya ito. Dahil sa posisyon nila ay magkalapit ng husto ang mga mukha nila. Nginitian lang siya ni Colin, kaya binigyan niya rin ito ng tipid na ngiti bago siya humiwalay dito. "Sige na. Pumasok ka na. Susunduin na lang uli kita mamaya." Umiling ito. "Huwag mo na kong sunduin. Kaya ko namang mag-commute pauwi." Tumango siya. "Sige, mag-iingat ka." Ngumisi ito. "Sandali lang. May ibibigay pa ako sa'yo." "Ano 'yon?" May kung ano 'tong nilagay sa kamay niya. "Good luck charm." Kunot-noong tiningnan niya ang larawang inilagay nito sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang larawan iyon ni Colin. Half-body picture iyon at wala pa itong suot na pang-itaas do'n! "At ano naman ang gagawin ko sa picture mong 'to, ha?" Tumawa ito. "Ayoko lang malungkot ka dahil buong araw mong hindi masisilayan ang abs ko, kaya 'yang picture ko na lang muna ang pagtiyagaan mo." Nilamukos niya ang litrato saka 'yon walang kaabog-abog na binato sa backseat. "Hindi ko kailangang titigan ang abs mo." Ngumiwi ito. "Ang lupit mo talaga. Anyway, hindi naman talaga 'yon ang ibibigay ko sa'yo." Mula sa malaki nitong bag ay naglabas ito ng dalawang magkapatong na food cointainer. "Ang sabi mo aalis ka, kaya ipinagluto kita para hindi ka na kumain sa kung saan. Ipagluluto uli kita ng hapunan pag-uwi ko." "Hindi na kailangan. Hindi ko rin alam kung makakauwi ako mamaya." Sumimangot ito. "Akala ko ba, ipipinta mo ko mamayang gabi?" Bumuntong-hininga siya. "'Yon nga rin ang plano ko, pero dumating kasi 'yong pinsan ko na galing sa States kaya kailangan ko siyang puntahan ngayon." "Basta, hihintayin kita. Hindi ako matutulog hangga't hindi ka dumarating," matatag na sabi nito, saka bumaba ng kotse. "Bye-bye, Ty." Tumango siya. "Bye-bye." Ngumiti si Colin, saka marahang sinara ang pinto ng kotse. Pagkatapos ay tumakbo ito papunta sa main building ng culinary school. Pero bago pa ito tuluyang makapasok ay humarap uli ito sa kanya, saka siya kinawayan. "Thank you for driving me here, Tyra!" Pagkatapos ay ginawa nito ang paborito nitong pose. "Rawr!" Natawa ang mga estudyanteng nakarinig at nakakita sa ginawa ni Colin. Maging siya ay natawa rin. She mimicked the movement of his hands. "Rawr," she mouthed back at him. Tila natuwa si Colin sa ginawa niya. Nag-flying kiss ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa main building. Nang mawala ito sa paningin niya ay napatingin siya sa mga kamay niya na nakakuyom. Napabuntong-hininga siya. Nahahawa na siya sa mga kalokohan ni Colin, at nag-e-enjoy naman siya. Iaatras na sana niya ang kotse niya nang may maalala siya. Dumukwang siya sa backseat ng at pinulot ang lukot na larawan ni Colin sa sahig. Inunat niya 'yon at pinagmasdan. Hindi na-justify ng picture ang kadakilaan ng abs at matipunong dibdib ni Colin, pero puwede na rin. Napangiti siya. "Good luck charm, huh?" *** BUKAS ang pinto ng kuwarto ni Dylan sa hotel na pinag-check-in-an nito pagpunta ni Tyra ro'n. Tinawagan niya ang binata habang paakyat siya ro'n kaya marahil binuksan na nito iyon. Pero wala naman ito pagpasok niya sa loob. Naririnig niya ang paglagaslas ng tubig sa loob ng banyo, kaya naisip niyang nasa shower ang binata. Nagulat na lang siya nang may kung sinong yumakap sa kanya mula sa likuran. "Tyra," malambing na bati ni Dylan sa kanya. "'Missed me?" Pumihit siya paharap kay Dylan. Basa ang katawan nito at tumutulo rin ang mga patak ng tubig mula sa basang-basa nitong buhok. "Dylan. Binasa mo na ko." Ngumiti lang ito, saka siya pinakawalan. "Pasensiya na. I was just excited to see you." Kumuha siya ng tuwalya at tinuyo ang buhok ni Dylan gamit iyon. "Napaaga yata ang uwi mo?" Tumango ito. "Yep. Next week pa dapat ang uwi ko. But I suddenly missed you so I decided to fly home earlier than planned. Na-miss mo ba ko, Tyra?" Tiningnan niya si Dylan. Buong taon silang hindi nagkita. Nagkaroon siya ng art exhibit sa Paris last year, at sa pagkakaalam niya ay may in-expand na business si Dylan sa States. "Oo naman. Alam mo namang kayo lang ni Diamond ang malapit sa'kin sa pamilya natin." Kambal sina Diamond at Dylan at pinsan niya ang mga ito. Half-sister ng daddy niya si Tita Danica – ang mommy ng kambal. Pero dahil politiko noon ang lolo niya, hindi isinapubliko ang tungkol sa mommy ng kambal. Pinalabas na anak ng namayapang kapatid ng lolo niya si Tita Danica. Dahil kulang sa atensiyon at pagmamahal mula sa lolo niya, naging rebelde noon si Tita Danica, hanggang sa mabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng kambal. Kalaunan ay na-depress ng husto si Tita Danica hanggang sa masiraan na ito ng bait. Napag-alaman niyang ang ina rin ni Tita Danica – na naging kabit ng lolo niya – ay nabaliw din ng iwan ng lolo niyang sumabak na noon sa politika. Nang ma-confine sa mental institution si Tita Danica ay saka naman kinupkop ng daddy niya sina Dylan at Diamond na noon ay pitong taong gulang. Sampu naman siya no'n. "Tyra, I want you to meet your cousins – Diamond and Dylan." Nagulat ang batang Tyra dahil sa itsura ng kambal. Magkamukhang-magkamukha ang mga ito, pero marurungis ang mga ito at may takot sa mga mata. "Anong nangyari sa kanila, Dad?" "They were bullied in school because of what happened to your Tita Danica. Be kind to them, Tyra," bilin ng ama niya, bago sila nito iniwan. Nang tangkang hahawakan niya ang mga ito ay bigla na lang lumayo ang mga ito sa kanya. May kung ano namang kumurot sa puso niya. Ang sabi ng daddy niya, na-bully raw sina Dylan at Diamond sa eskwelahan, kaya marahil gano'n na lamang ang takot ng mga ito sa ibang tao. Dahan-dahan siyang lumapit kina Dylan at Diamond. "Ako si Tyra. Ate niyo ko kaya hindi kayo dapat matakot sa'kin. Hindi ko kayo sasaktan." Nilahad niya ang kamay niya sa mga ito. Nagkatinginan ang kambal na tila nag-uusap, pagkatapos ay bumaling sa kanya ang mga ito. Nag-aalangan man, pero sa huli ay sabay na hinawakan nina Dylan at Diamond ang nakalahad niyang mga kamay. Nagulat siya nang bigla na lang umiyak ang mga ito. No'n niya lang napagtanto na hindi pala dumi ang nasa mukha nina Dylan at Diamond – mga pasa iyon. Lalo siyang naawa kina Dylan at Diamond. Niyakap niya ang mga ito. "I promise you. I will protect you from now on." Simula no'n ay siniguro niyang magkakaroon ng karapatan sa pamilya nila sina Dylan at Diamond. Dala naman ng mga ito ang apelyidong Lopez. Kaya guminhawa rin ang buhay ng kambal. "Nalungkot ka na naman." Naputol lang ang pagbabalik-tanaw ni Tyra nang haplusin ni Dylan ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay nito. "I'm fine." "Naaalala mo na naman si Diamond, 'no? Mayamaya ay naramdaman niya ang mabilis na pagpatak ng mga luha niya. "Death anniversary ni Diamond next week." Bumuntong-hininga si Dylan. "Tyra, iniisip mo pa rin bang kasalanan mo ang nangyari?" "Kasalanan ko talaga ang nangyari," giit niya. "She committed suicide because I left her." Pagpikit niya ay nag-flash sa isipan niya ang pagtalon ni Diamond sa rooftop ng bago niyang unibersidad no'n. Lalo siyang napahagulgol. Naramdaman na lang niya ang pag-angat ng katawan niya at ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Mayamaya pa ay nakaunan na siya sa isang braso ni Dylan, habang nakayakap ito sa kanya at marahang hinahagod ang likod niya. "Hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo na poprotektahan ko kayo," umiiyak na sabi niya. "Shhh... You don't have to fulfill your promise anymore, Tyra. Dahil ngayon, ako na ang poprotekta sa'yo," bulong ni Dylan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD