20th Chapter

2635 Words
KULANG ang sabihing natatakot si Colin para kay Tyra. Nakikipagkarera ang t***k ng puso niya sa pagpapalipad niya ng kotse. Kausap ni Tyrone si Tyra kanina gamit ang cell phone niya. Ang tanging bagay na nagpapakalma sa kanya ay ang malamang ligtas pa rin si Tyra. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hindi siya makapaniwalang baliw pala ang Dylan na 'yon! Nagtatampo rin siya kay Tyra dahil hindi nito sinabi sa kanya ang problema nito tungkol sa pagkamatay ni Diamond. All along ay siya lang pala ang masaya sa kanilang relasyon habang ang dalaga ay may mabigat pa lang pinagdadaanan. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang bahay ni Tyra. Bukas ang gate niyon kaya madali siyang nakapasok. Nilingon niya si Tyrone na nasa passenger's seat habang inaalis niya ang seatbelt niya. Tinakas niya lang ito sa ospital pero sigurado siyang pasunod na rin si Smoke at ang mga pulis sa kanila. "Hindi mo pa kayang protektahan ang sarili mo. Kagigising mo lang mula sa pagkaka-coma ng pitong taon." "Ako ang frat leader ng Alpha Kappa. Kaya ko ang sarili ko. I need to save Tyra." Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "You've been asleep for seven long years. 'Wag mong isiping katulad pa rin ng dati ang relasyon niyo ni Tyra." Ipinaikot nito ang mga mata. "Naghiwalay na kami ni Tyra bago pa ko ma-coma, pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na ko mag-aalala para sa kanya," anito saka bumaba ng sasakyan. Nanghihina si Tyrone at gusto sana niya itong tulungan pero alam niyang magagalit lang ito, kaya hinayaan na niya ito kahit iika-ika at mabagal itong maglakad. Matagal itong naratay sa kama kaya marahil hirap itong maglakad ngayon. Nauna na siya sa loob ng bahay. Kadiliman at katahimikan ang sumalubong sa kanya pero may nararamdaman siyang presensiya ng kung sino ro'n. "Tyra?" "You really came faster than I expected. Nawalan tuloy ako ng oras tumakas." Nilingon niya ang nagsalita. Kahit madilim sa sala ay naaninag pa rin niya ang mukha ng lalaking gusto niyang saktan ng mga sandaling iyon. "Dylan!" Ilang sandali pa ay bumukas na ang mga ilaw. Nagalit at natakot siya sa nakita niya. Nakaupo si Dylan sa mahabang sofa habang nakahiga naman sa mga hita nito si Tyra na walang malay. Gamit ang kamay nito ay sinusuklay ni Dylan ang kamay nito sa buhok ng natutulog na si Tyra, samantalang ang isang kamay naman nito ay may hawak na baril. Damn! Alam na siguro ni Dylan na gising na si Tyrone! "Anong ginawa mo kay Tyra?!" "Ah... 'wag kang mag-alala. Pinatulog ko lang si Tyra. Kung anu-ano kasi ang sinabi ni Tyrone sa kanya sa telepone. Ayaw na tuloy niyang sumama sa'kin." He scoffed. "Sinong sasama sa baliw na tulad mo?" Ikiniling ni Dylan ang ulo nito sa kanan, pagkatapos ay tinapat sa ulo niya ang dulo ng baril na hawak nito. "Ulitin mo pa ang sinabi mo at ito ang bubutas sa ulo mo." Hindi siya natatakot mamatay ngayon sa kamay ni Dylan, pero natatakot siyang mamatay nang hindi naililigtas si Tyra. "Nalaman ko mula kay Tyrone ang ginawa mo sa kakambal mo. How dare you kill your own sister?!" Mariing pumikit si Dylan at humawak sa sentido nito na para bang napakasakit ng ulo nito. His face was also distorted in pain. "Hindi ko sinadyang itulak si Diamond! Gusto ko lang siyang pigilan no'n! She wanted to hurt Tyra!" Pasimpleng pinasok niya sa bulsa ng pantalon niya ang kamay niya. Kabisado niya ang phone niya kaya nagawa niyang i-on ang recorder niyon. "Kung gano'n, pinatay mo nga si Diamond." "Sinabi nang hindi ko sinasadya 'yon!" Pagmulat ng mga mata ni Dylan ay punung-puno iyon ng galit, pagkalito at matinding kabaliwan. "Sinabi niyang paghihigantihan niya si Tyra sa pamamagitan ng pananakit dito ng pisikal. Pinigilan ko siya. Pero nag-away lang kami. Nagdilim ang paningin ko... hanggang sa namalayan ko na lang na naitulak ko na siya habang kausap niya si Tyra sa cell phone." Baliw nga ang lalaking 'to! "At walang nakakita sa ginawa mo?" Ngumisi ito. "Kaming dalawa lang ni Diamond ang nasa rooftop no'n. At walang mag-iisip na ako ang naroon dahil nagpanggap din akong Diamond nang nagpunta ako sa university ni Tyra. Pagkatapos ko siyang itulak, inalis ko na ang pagdi-disguise ko saka ako mabilis na bumaba ng rooftop para walang makakita sa'kin." "Pero nabuko ko pa rin sekreto mo, gago ka." Sabay napatingin sina Colin at Dylan sa dumating – si Tyrone. Dumaan ang galit sa mga mata ni Dylan. "I should have killed you when you were still in coma, Tyrone! Hindi ko lang ginawa 'yon dahil kung may pumatay sa'yo habang nasa coma ka, maiisip ng mga pulis na hindi frat war ang dahilan ng pagkakasagasa mo. Nag-alala akong 'pag nag-imbestiga sila ay madamay ako sa kaso. But I really should have killed you! Hindi ko akalaing magigising ka pa pagkatapos ng pitong taon!" Ngumisi si Tyrone. "You can't put a frat leader down that easily, Dylan. Lalong hindi ako papayag na saktan mo pa si Tyra sa pamamagitan ng pananakit mo sa mga taong mahal niya. Nang inakala ni Tyra na nagpakamatay si Diamond, sinisi niya ang sarili niya sa nangyari!" No'n napaisip si Colin dahil sa mga sinabi ni Tyrone. Ang pagpapakamatay ni Tyra, ang pagka-come ni Tyrone... Tinapunan niya ng nag-aakusang tingin si Dylan. "Matagal nang panahong nagdudusa si Tyra dahil iniisip niyang siya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Diamond, pero ikaw pala ang pumatay sa sarili mong kapatid! At ang pagka-coma ni Tyrone, alam mo bang iniisip ni Tyra na lahat ng taong minamahal niya ay napahamak dahil sa kanya? Bakit mo siya hinayaang maging miserable ng ganito katagal?!" "Because that's the only way I could keep her!" galit na sigaw ni Dylan. "Ang sumpa ni Diamond... gawa-gawa ko lang 'yon para isipin ni Tyra na kapahamakan lang ang dulot niya sa mga taong mahal niya. Kaya nga naging advantage din sa'kin ang pagkaka-coma ni Tyrone. She isolated herself away from everyone... at ako na lang ang taong nakakalapit sa kanya." Biglang lumambot ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang natutulog pa ring si Tyra. "Buong buhay namin ni Diamond, si Tyra lang ang naging mabait sa'min. Siya lang ang nagmahal sa'min. Kapag nawala siya sa'kin, magiging mag-isa na lang ako. And I don't want to be alone and sad anymore. Only Tyra can make me happy." Nang mga sandaling iyon ay naunawaan na ni Colin si Dylan kahit paano. Para lang itong bata na takot maiwan. "You can't keep Tyra forever, Dylan. Pakawalan mo na siya." Bumaling ang malalamig na mata ni Dylan sa kanya. "What?" "Let her go," ulit niya. "Hindi siya masaya sa piling mo. She only stays with you out of pity. But she's not happy, and she'll never be. Lalo na't patuloy mong pinapasok sa isip niya na siya ang nagpapahamak sa mga taong mahal niya." "Let her go?" nanunuyang tanong ni Dylan. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para lang masigurong hindi niya ko iiwan, sasabihin mong pakawalan ko siya? You're crazy!" Pinagmasdan ni Colin ang natutulog na si Tyra. Hindi niya akalaing gano'n mabigat pala ang pinagdadaanan nito. Gusto na niyang tapusin ang pagpapakahirap nito. He was hurting for her. Muli ay nilingon niya si Dylan. Walang pag-aatubiling lumuhod siya sa harap nito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya. "Colin!" galit na saway naman ni Tyrone sa kanya. Yumuko lang siya. "Dylan, nakikiusap ako. Pakawalan mo na si Tyra. Hindi siya magiging masaya kung patuloy mo siyang ikukulong sa guilt. She's been suffering for eight years now dahil sa mga ginawa mo. Let her be happy." Dumaan ang matinding galit sa mukha ni Dylan. "Ako ang kasama ni Tyra buong buhay niya! Kaya ko siyang pasayahin!" Naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha niya. Nasasaktan pa rin siya para kay Tyra. Ang mabuhay kasama ang baliw na 'to, malamang ay naging napakahirap niyon para sa dalaga. "Buong buhay ni Tyra, minahal niya kayo ni Diamond. Pero ikaw? Anong ginawa mo para sa kanya? Naging makasarili ka at sinaktan mo siya para lang hindi siya mawala sa'yo." Sumigaw si Dylan habang nakahawak sa sentido nito. "Tama na! Tama na! Tama na!" Tinapat nito ang baril nito sa ulo niya. "Bakit hindi ka pa namatay nang itulak kita? You should have died then!" Nagulat siya. "Ikaw ang tumulak sa'kin kaya ako nasagasaan ng van?" "Oo! Ako nga ang tumulak sa'yo dahil gusto kong mawala ka sa landas ko! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako magawang mahalin ni Tyra!" "Pero magpinsan kayo!" Natakot siya sa realisasyong nabuo sa isip niya. "Dylan... hindi ka lang dependent kay Tyra... You're in love with your own cousin!" Ngumisi si Dylan. "I am. So you must die." "Stop it, Dylan." Lahat sila ay natigilan sa pagsasalita ni Tyra. Gising na pala ito. Unti-unti itong bumangon at dahan-dahang hinawakan ang braso ni Dylan habang binaba ang nakatutok na baril sa kanya. Dylan's eyes grew gentle while looking at Tyra. "Tyra..." "Dylan, let them live and I'll come with you anywhere." *** "TYRA! Don't do that!" Pinilit ni Tyra na huwag lingunin si Colin dahil alam niyang magbabago ang isip niya kapag ginawa niya 'yon. She had no choice. Papatayin ito ni Dylan kaya kahit anong paraan ay gagawin niya para mabuhay ang lalaking mahal niya. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang mahal siya ng pinsan niya. Pero baliw nga si Dylan, kaya marahil pagmamahal ang tingin nito sa nararamdaman nito para sa kanya. Umiling si Dylan habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Hindi lang 'yan ang gusto kong marinig mula sa'yo, Tyra." Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Dylan smiled and touched her face gently. "Marry me and I'll let them live." Napasinghap siya, kasabay ng pagmumura nina Tyrone at Colin. Inilayo niya ang mukha niya. "Magpinsan tayo, Dylan!" Hindi na niya napigilang makaramdam ng disgusto. Kaya niya pang tanggapin na mahal siya nito, pero ang pakasalan ito? He's really out of his mind! Gumuhit ang pinaghalong pait at sakit sa mga mata ni Dylan. "You're disgusted? Diamond had the same face when I told her I'm in love with you and that I intend to marry you. Sinabi niyang nakakadiri ang nararamdaman ko para sa'yo. Tinulak ko siya sa rooftop para manahimik siya. That incident probably triggered my madness." Nangilid ang mga luha niya. Narinig niya ang mga huling sinabi ni Dylan kanina. May malay na siya no'n pero hindi niya magawang makakilos dahil sa labis na panghihina mula sa pinaamoy kaninang kemikal sa kanya ni Dylan at dahil na rin sa mga nalaman niya. Hindi siya makapaniwalang nagpauto siya kay Dylan sa loob ng mahabang panahon. Wala siyang kasalanan sa nangyari sa mga taong mahal niya. Ito ang sanhi ng pagdudusa niya. Natauhan lang siya nang muling itutok ni Dylan ang baril nito kina Colin at Tyrone. "Wala na tayong oras, Tyra. Malapit na ang oras ng flight natin. We have to get away from here. Pero aalis tayo nang una, patay ang dalawang ito. O pangalawa, aalis tayo rito nang engaged na at pagdating natin sa US, magpapakasal tayo. You choose." "Tyra, no! I'd rather die than have you agree to marry that crazy bastard!" sigaw ni Colin na ngayon ay pinipigilan na ni Tyrone na sugurin si Dylan. "Colin is right!" segunda naman ni Tyrone. "'Wag kang papayag sa gusto niya!" "Tahimik!" sigaw ni Dylan saka pinaputok ang baril nito. Napasinghap siya nang tamaan sa binti si Colin. Agad na bumagsak sa sahig si Colin na napahiyaw sa sakit habang nakahawak sa binti nitong duguan. Mabilis itong inalalayan ni Tyrone. Napaiyak naman si Tyra sa labis na takot. Agad siyang nakagawa ng desisyon. "I will marry you, Dylan. 'Wag mo na silang sasaktan." Ngumiti si Dylan. "Madali naman akong kausap eh." Ikinulong nito ang mukha niya sa pagitan ng mga kamay nito. "I love you, Tyra." Napapikit na lang si Tyra nang siilin siya ng halik sa mga labi ni Dylan. Narinig niya ang galit na galit na sigaw ni Colin kasabay ang pagpatak ng mga luha niya. Nandidiri siya, lalo na nang gumalaw na ang mga labi ni Dylan. Pinilit niyang 'wag iyong tugunin, pero mapilit ito. Pero dahil do'n ay may naisip din siya. Labag man sa kalooban niya, tinugon niya ang mga halik ni Dylan. The bastard groaned in delight. Narinig niyang naging iyak na ang galit na sigaw ni Colin. Nasasaktan marahil ito sa nakikita. Nasasaktan din naman siya pero kailangan niya 'yong gawin para mabuhay ito. Dahan-dahang kumilos ang kamay niya. Hinawakan niya ang balikat ni Dylan, pababa sa braso nito hanggang sa kamay nito. Mukhang masyado itong absorb sa paghahalikan nila at "paghaplos" niya rito dahil sa tuwina ay umuungol lang ito na tila nakalimutan na ang sitwasyon nila. Dahil do'n ay mabilis niyang naagaw kay Dylan ang baril nito. Agad siyang kumalas sa halik na iyon at tumayo siya, nakatutok ang baril kay Dylan na halatang nagulat sa ginawa niya. Muli na namang gumuhit ang galit sa mukha ni Dylan. "Tyra! You betrayed me!" akusa pa nito sa kanya. "I will never marry you, Dylan," matatag na sagot niya. Sumigaw si Dylan at akmang susugurin siya. Napapikit siya at akmang kakalabitin na ang baril pero may humawak sa braso niya, kasabay ng malakas na pagbagsak ng kung ano. Nang buksan niya ang mga mata niya, nakita niyang si Tyrone ang may hawak sa mga kamay niya at pumigil sa pagpapaputok niya ng baril. Si Colin – kahit na iika-ika dahil sa tama nito sa binti – naman ang marahil sumuntok kay Dylan dahil nakabagsak ang huli sa sahig na duguan ang bibig. "Hindi mo dapat dungisan ng dugo ng gagong 'yan ang kamay mo," nakangiting sabi ni Tyrone. Tumango lang siya. Nanginginig na kasi ang buong katawan niya sa takot. Kinuha na rin ni Tyrone sa kanya ang baril. Akmang tatayo pa uli si Dylan nang may bola ng baseball ang tumama sa ulo nito. Nakahinga siya ng maluwag. Iisang tao lang ang kilala niyang parating may dalang bola ng baseball. Napangiti si Tyrone habang nakatingin sa pinto. "Smoke." Nilingon din ni Tyra ang pinto. Naroon nga si Smoke kasama ang mga pamilyar na mukha – ang buong Alpha Kappa na pinamumunuan ni Tyrone noon. May dalang bakal na baseball bat ang mga iyon. Nakahinga ng maluwag si Tyra. Hinayaan niyang bumagsak ang katawan niyang bumigay sa pagod, pero maagap siyang nasalo ni Colin. Ang nangyari tuloy ay napaupo ito sa sofa habang nakakandong siya rito. Agad niyang sinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Colin. She cried when she inhaled his masculine scent. "Hush, baby," malambing na alo ni Colin sa kanya. "Wala nang masamang mangyayari sa'yo." "I didn't know Dylan's in love with me. Sana no'n pa lang napansin ko na. Para noon pa lang sana, napigilan ko na siya..." Hinawakan nito ang baba niya at inangat nito ang mukha niya rito. "Shh. Itigil mo na ang pagsisi sa sarili mo sa nangyari kina Diamond at Dylan. You've done enough for them. Minahal mo sila at wala kang naging pagkukulang sa kani – aw!" Bigla itong napaigtad. Napasinghap siya nang maalala ang pinsala ni Colin. Agad siyang napatayo. "Colin! Dadalhin kita sa ospital!" He chuckled. "Relax, sa binti lang ang tama ko. Bago tayong pumuntang ospital, i-di-disinfect ko muna ang lips mo." "Ha?" He smiled mischievously, pulled her by the nape and kissed her torridly. Then, he passed out. Napatunayang nagkasala si Dylan sa pagpatay kay Diamond at tangkang pagpatay kina Tyrone at Colin. Pero dahil sa sira nito sa pag-iisip ay sa mental hospital ang bagsak nito. Unti-unti naman nang bumalik ang dating lakas ni Tyrone, at nagkabalikan na sila ng ka-bromance niyang si Smoke. Hindi, joke lang. Hindi sila nagkabalikan dahil hindi naman daw sila nag-break.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD