~~~The next day~~~ (Sunday) 3pm... Black Tiger g**g Headquarters.... Tristan's POV Nagbihis ako kasi naisipan kong mamasyal/maglakwatsya. Bumaba na ako at nasa sala rin ate. "Saan ka pupunta?" tanong ni ate. "Asus leader. Tinatanong pa ba yan?" Corrine "Oy hindi na ako masyadong nambababae ha. Pero teka nga, mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan niyo. Pwede bang i-share?" sabi ko at umupo rin sa sofa katabi ni ate. "Napag-usapan kasi naming magdagdag ng isa o dalawa pang g**g members." ate "Pero dapat kakilala na natin." dagdag ni Prince. "Dapat rin magaling makipaglaban." Corrine "Lalaki ba o babae?" tanong ko naman. "Depende." Ray "Oh sige. Susubukan kong maghanap pero sa ngayon, aalis muna ako." sabay tayo ko at tumango lang sila. Lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad.

