Aphrodite's POV Tapos ko ng gawin ang daily routines ko kaya bumaba na ako at dumiretso sa kitchen pero medyo nagulat ako ng nadatnan ko si Dylan kasama sila. "Oh anak, halika na." mom "Morning Tylie." Si Dad. Mukhang good mood sila ah. "Upo ka na anak." "Anong ginagawa mo dito Dee?" tanong ko. Umupo na rin ako sa tabi niya. "Sinusundo ka tapos inimbitahan ako nina tito na sumabay na raw sa inyo mag breakfast." Sundo raw oh? "Ahh.. si Tristan po ma?" "Hindi pa bumababa eh." "Sige po. Puntahan ko muna." sabay tayo ko. Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok ng ilang beses. "Tris, mag-aalmusal na." pero wala akong nakuhang sagot. Pinihit ko yung door knob at hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako. Nadatnan ko siyang nakatalukbong sa kumot niya. "Uy bro, gising na." sabay yugyog

