STRAIGHT James Point of View Kinabukasan ay masayang pumasok ang mga anak ko sa kuwarto ko. Nakaidlip man ako ngunit nasa mahigit isang oras lang. Mabigat man ang katawan kong bumangon sa kama ay kailangan kong gawin dahil gustokong iparamdam sa mga bata at sa pamilya ko na masaya ako kahit naroon ang pangungulila at takot. Kailangan kong makisaya sa kanila. Buong umaga kaming namasyal at kinahapunan ay nagpiknik kami sa Tagaytay gamit ang sasakyan ni kuya. Alam kong ramdam ng pamilya ko ang lungkot sa aking mga mata. Gumuguhit man ang ngiti sa aking labi ngunit naroon ang pait. Minsan nga nawawala ako sa saking sarili na kahit kinakausap ako ay hindi ko sila nasasagot. Naririnig ko sila ngunit hindi ko sila naiintindihan. Nandoon ko physically pero na kay Xian ako mentally at emotionall

