Cassandra POV TAHIMIK akong lumabas ng kwarto at nagpalinga linga. Patay na ang lahat ng ilaw sa buong bahay at tanging malamlam na ilaw lang galing sa lamp wall ang nagbibigay liwanag. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Hating gabi na, siguradong tulog na tulog na si Ate Malou at Tita Veronica. Pero si Ninong Mannox, naroon sya sa likod bahay at hinihintay ako. Biglang nya akong tinext at tinanong kung gising pa. Tamang tamang naalimpungatan ako at nakita ko ang text nya. Inaantok pa ako pero ng sabihin nyang magkita kami sa likod ng bahay ay biglang nawala ang antok ko. Sobrang miss na miss ko na sya. Kagat labing binilisan ko ang hakbang at pumasok sa kusina. May pintuan doon na kumokonekta sa labas. Dahan dahan ko yung binuksan at lumabas saka tahimik din itong sinarado. Patakbo ko

