Cassandra POV BINILI lahat ni Ninong Mannox ang mga gamit na kakailanganin ko sa school gaya ng school supplies. Binilhan nya rin ako ng bag at sapatos. May uniform na ako na galing mismo sa university. Next week ay papasok na ako sa university para makahabol. Bukod sa mga gamit sa school ay binibilhan din ako ngayon ng mga damit ni ninong. "Here, look! I think bagay sayo ang mga ganitong kulay. Lalong titingkad ang kaputian mo." Pinakita sa akin ni Ninong Mannox ang hawak nyang dress na kulay baby blue. Simple lang ang tabas nun pero siguradong hahakab ang kurba ng katawan ko. Hinawakan ko ang price tag ng dress at tiningnan ang presyo. Napasinghap ako at namilog ang mata ng makita ang presyo. Kulang kulang sampung libo. "Ang mahal naman nyan ninong! Huwag na lang!" Bulalas ko at

