MALAKAS na malakas ang kabog ng dibdib ko habang nasa likurang sasakyan ako ni Mannox. Katabi nya sa unahan si Tito Ferdie at naguusap sila. Papunta kami ngayon sa presinto dahil nahuli na si Tita Amanda at ang lalaki nya. Kinuyom ko ang kamao at tumiim bagang. Bumangon ang galit ko para kay Tita Amanda. Tumingin ako sa unahang sasakyan. Nasalubong ko ang mata ni Mannox na nakatingin sa akin sa rear view mirror. Parang nagtatanong sya kung ok lang ako. Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tumingin na sa labas ng sasakyan. "Dito po mga ser, ma'am." Giniya kami ng pulis papasok sa opisina ng chief. Mariin ko namang kinuyom ang kamay. "Relax Cassandra." Hinawakan ni Mannox ang balikat ko at pinisil. Tumingin lang ako sa kanya at sumunod na kay Tito Ferdie na nauna ng pumasok sa loob n

