Chapter 6

1673 Words
Cassandra POV PARANG biglang nagdilim ang paningin ko at nanikip ang aking dibdib. Sinugod ko ang dalawang taksil. Pinagsusuntok at pinagkakalmot ko si Ted. "Walanghiya ka Ted! Manloloko!" Sigaw ko at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Si Greta naman ang binalingan ko na akmang lalabas ng kwarto pero mabilis kong hinablot ang kanyang buhok at hinila. Tinulak ko sya sa kama at inupuan sa tiyan at pinagsasampal rin sa mukha. "Malandi ka! Malandi ka Greta! Sa dami ng lalaking lalandiin mo si Ted pa! Hah!" Galit na bulyaw ko sa ahas na kaibigan. "A-Aray! Tama na Cassey! Nasasaktan ako! Ahh!" Sigaw ni Greta habang sinasalag ang bawat sampal ko. "Nasasaktan ka? Ako, hindi ba ako nasasaktan sa kataksilan nyong dalawa? Hah! Ahas ka! Ahas!" Ang buhok naman ni Greta ang pinagdiskitahan ko. Sinabunutan ko sya ng may kasamang sampal. Galit na galit ako sa kanya. Gusto kong durugin ang mukha nya. "Tama na yan Cassandra! Bitiwan mo na si Greta." Awat sa akin ni Ted at hinawakan ako sa braso. Hinila nya ako paalis sa ibabaw ni Greta. "Ano ba! Bitiwan mo ko manloloko ka!" Pumiksi ako sa hawak ni Ted at galit na hinarap sya. "Babe, magpapaliwanag ako -- " PAK! Isang malakas na sampal ulit ang pinadapo ko sa pisngi ni Ted na ikinapaling ng kanyang mukha. "Paliwanag? Ano pang ipapaliwanag mong tangina ka? Kitang kita ng dalawang mata ko ang kataksilan mo! Gago!" Tinulak ko sya sa dibdib at sinuntok. "Kelan mo pa ako niloloko? Ha? Ilang beses na kayo nagsesex ni Greta? Ilan!" Galit na sigaw ko. Pero hindi sumasagot si Ted. "Maraming beses na." Sabat ni Greta. Nilingon ko ang ahas kong kaibigan. Nakabangon na sya at inaayos ang nagulong buhok pati damit. Pero galit din ang tingin nya sa akin. Huh! Ang kapal ng mukha! Sya pa ang may ganang magalit. "Ahas ka talaga Greta." "Ahas na kung ahas. Anong gagawen? Mas enjoy si Ted sa akin. Mas masarap ako kesa sayo no!" Aniya sabay irap sa akin. "Huh!" Ngumisi ako. Sa aming tatlo ni Lalay ay si Greta ang pinaka liberated. Nakailang boyfriend na sya at may history ng pang aagaw ng jowa. Pero di ko akalain na pati ako ay aagawan nya rin ng nobyo. "Greta tumigil ka!" Pasigaw na saway ni Ted kay Greta. "Bakit? Totoo naman ah! Kaya mga paulit ulit na may nangyayari sa atin eh dahil mas enjoy ka sa akin." Nanunuyang sabi pa ni Greta. Tumiim bagang ako. Naninikip ang dibdib ko sa galit sa dalawang taksil. Hindi ako makapaniwang magagawa nila sa akin ang bagay na ito. Si Ted na lalaking una kong pinag alayan ng sarili ko at si Greta na kababata ko at tinuring ko ng kapatid. Bumaling sa akin si Ted. Maamong maamo ang kanyang mukha na parang kawawa. "C-Cassandra babe.. n-nagawa ko lang to dahil inakit ako ni Greta." Paliwanag pa ni Ted at hinahawakan ang braso ko. Pumiksi naman ako at ngumisi. "Ang gago ng paliwanag mo Ted. Kasing gago mo. Kahit ilang beses kang inakit ni Greta kung di mo talaga gusto ay di ka magpapaakit sa kanya. Pero ilang beses ng may nangyari sa inyo. Ibig sabihin ay gusto mo rin. Huh! Pinagmukha nyo kong tanga. Lalo ka ng gago ka! Pero mabuti na ring nalaman ko na agad ang panloloko nyo sa akin. At least di na ako magmumukhang tanga habang nasa Manila. Tapos na tayo Ted. Break na tayo." Mariing sabi ko sa huli. Gumuhit ang pagtutol sa mukha ni Ted. "Hindi, hindi ako papayag Cassandra. Mahal na mahal kita babe please! Hindi ako papayag na makipag break ka sa akin." "Gago! Anong tingin mo sa akin martir? Kung mahal mo ko hindi mo ako magagawang pagtaksilan. Malaya ka na Ted. Magpakasasa ka kay Greta. Magsama kayong dalawa. Tutal naman bagay kayong dalawa. Isang gago at isang gaga." Tinapunan ko rin ng matalim na tingin si Greta na may ngisi ng tagumpay sa labi. Walang makikitang pagsisisi sa kanyang mukha. Mukhang ito talaga ang gusto nya. Ang masira ang relasyon namin ni Ted. Mukhang matagal na rin syang may gusto kay Ted. Puwes isaksak nya sa baga nya ang boyfriend ko, ex boyfriend na pala. Binigyan ko muna ng nakakainsultong tingin ang dalawa bago ako tumalikod at lumabas ng kwarto. "Cassandra!" "Huwag mo na syang sundan Ted." "Bitiwan mo ko Greta! Susundan ko si Cassandra!" "Bakit mo pa sya susundan? Nakipaghiwalay na sya sayo!" Malalaki ang bawat hakbang ko palayo sa bahay nila Ted habang panay ang punas ko ng kamay sa pisnging dinadaluyan ng luha. Nadaanan ko ulit ang mga manginginom na nagtatawanan at nagbibiruan. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy tuloy sa mabilis na paglalakad na parang may humahabol sa akin. Masakit na masakit ang ginawa sa akin ni Ted. Parang ang iniipit ang puso ko. Mahal ko sya pero sa ginawa nya ay kinamumuhian ko na sya. Pinagsisisihan kong binigay ko ang sarili ko sa kanya. Wala syang kwenta. Manloloko at gago! Suminghot ako at pinahid ang natitirang luha sa gilid ng mga mata. Pinatigas ko ang mukha pati ang dibdib. Isang beses akong humugot ng malalim na hininga para lumuwag luwag ang naninikip kong dibdib. Malapit na ako sa bahay namin. Hindi dapat makita ni tatay na umiiyak ako dahil mag aalala sya. At hindi ko na rin talaga dapat iyakan ang manlolokong lalaking yun. Hindi sya deserving sa mga luha ko. Hindi ako dapat magpakulong sa nararamdaman ko sa kanya. Pupunta na ako sa Manila kung saan magkakaroon ako ng malaking pagkakataon na baguhin ang buhay namin ni tatay. Yun ang dapat kong pagtuunan ng pansin. -- "Mga baboy ang dalawang yun! Hindi na mga nahiya! Mga manloloko! Lalo na yang si Greta. Kaibigan pa man din natin sya pero isa pala syang ahas! At itong si Ted naman sa lahat ng babaeng papatulan si Greta pa talaga! Kuh! Kapag nakita ko yang dalawa, pagsasasampalin ko sila!" Gigil na wika ni Lalay matapos kong ikwento sa kanya ang kataksilan ng dalawa. Hinanap nya kasi ang dalawa kung bakit hindi namin kasama sa paghatid sa akin sa hacienda. Sinabi ko na lang ang totoo sa kanya. "Hayaan mo na Lalay. Nakipag break na ako kay Ted. Kalilimutan ko na sya." Sabi ko. "Aba't dapat lang! Hindi sya kawalan no. Sa ganda mong yan mas marami ka pang makikitang lalaki na mas higit pa sa kanya lalo na sa Manila." Bumuntong hininga ako. May bigat sa dibdib ko. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa pag iisip at paminsan minsang pag iyak. Tinatanong ko ang sarili ko kung saan ako nagkulang kay Ted. Bakit nya nagawang pagtaksilan ako. Pero ako rin ang sumagot ng mga tanong ko. Wala akong pagkukulang. Binigay ko ang lahat sa kanya pati na ang sarili ko. Sinisi ko rin ang sarili ko dahil hindi ako nakinig kay tatay. Ilang beses na nya akong pinagsabihan tungkol kay Ted na wala syang tiwala dito dahil mukhang maloko. Pero hindi ako nakinig at binalewala ko lang yun. "O narito na pala si Ferdie." Sabay kaming napalingon ni Lalay kay tatay. Nakita namin si Tito Ferdie sakay ng kanyang kolong kolong papasok sa maliit naming bakuran. Sya ang maghahatid sa akin sa mansion. Lumapit na kami ni Lalay. "Tumawag si Castor. Mapapaaga daw ang luwas nila ni Cassandra kaya kailangan na syang ihatid sa hacienda." Wika ni Tito Ferdie kay tatay ng makababa sya sa motor. "Ganun ba? O sige, lumarga na kayo. Anak yung mga gamit mo." Untag sa akin ni tatay. "Opo tay." Nilapitan ko na ang mga gamit ko. Sinukbit ko muna ang bodybag sa katawan bago ang bag pack. Si Tito Ferdie naman ay binuhat ang dalawang maleta at sinakay sa kolong kolong. Si Lalay naman ang bumuhat ng duffel bag ko. Nagpaday-off sya ngayon para maihatid ako sa hacienda. "Wala na bang nakalimutan?" Tanong ni Tito Ferdie. "Wala na po tito." Sabi ko. "O sige tayo na at naghihintay na si Castor." Ani Tito Ferdie at sumakay na sa motor. Binalingan ko naman si tatay na malungkot na ang mukha. "Tay aalis na po ako." Paalam ko. "Mag iingat ka doon anak ha. Pasensya na hindi ako sasama sa paghatid sayo sa hacienda. Ayoko kasing makitang aalis ka. Siguradong iiyak lang ako doon. Ngayon pa nga lang naiiyak na ako eh kasi sobra kitang mamimiss." Nanunubig na ang matang sabi ni tatay. Yumakap ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking luha. "Sobra rin po kitang mamimiss tay. Magiingat din po kayo dito. Pagdating ko sa Manila tatawag ako agad sa inyo. Dadalasan ko po ang tawag. Ingatan nyo po ang sarili nyo, ha." "Oo anak." Kumalas na ako ng yakap kay tatay at parehas na kaming sumisinghot at nagpapahid ng luha. "Sige na anak, sumakay ka na. Naghihintay na si Castor." Tumango at sumakay na sa loob ng kolong kolong. Si Lalay naman ay sumakay sa likuran ng motor ng kanyang ama. Pinaandar na ni Tito Ferdie ang motor at pinausad na palabas ng aming bakuran. Hindi ko hiniwalayan ng tingin si tatay na kumakaway sa akin habang papalayo kami. Humugot ako ng malalim na hininga at pinunasan ang luha sa pisngi. "Tito Ferdie, kayo na po ang bahala kay tatay ha." Bilin ko sa tiyuhin. "Oo akong bahala kay kuya." "Nag aalala po kasi ako sa kanya eh. Lalo pa at si Tita Amanda na lang ang makakasama nya. Eh alam nyo naman yun, wala ng pakialam kay tatay." Yun ang isa sa bumabagabag sa dibdib ko. "Huwag kang mag alala Cassandra, hangga't nandito ako ayos lang si Kuya Tinong. Basta pagbutihin mo ang pag aaral sa Manila. Maswerte ka dahil pag aaralin ka ng ninong mo. Pambihirang pagkakataon yan." "Opo tito, mag aaral po akong mabuti." "Habang wala ka, ako ang aalalay kay Tito Tinong sa paghingi nya ng libreng gamot sa munisipyo. Lagi ko ring titingnan kung nakainom na sya." Sabi pa ni Lalay. Ngumiti ako. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Alam kong di nila pababayaan si tatay. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD