Cassandra POV NANGINGITI ako habang pinapanood si tatay na nakikipagbiruan sa lalaking nurse. Pangalawang araw na ni tatay dito sa hospital at sumisigla na sya. Malakas na nga ring syang kumain pero hinay hinay lang sya sa kanin. Mga prutas lang ang nilalantakan nya. "Eh tay, papasa po ba ako sa inyo para sa anak nyo?" Hirit biro ng nurse na si Roland. Mabiro sya, palabati at palangiti sa akin. "Bakit? Malaki ba yan?" Nakangising biro ni tatay. Ngumuso si Nurse Roland. "Sakto lang po." "Kuh, palakihin mo muna yan. Ang gusto ng anak ko malaki." "Tay!" Nae-eskandalong saway ko kay tatay. Nag init ang pisngi ko. Tumingin sa akin si tatay at tumawa. "Malaki ang puso. Gusto ng anak ko malaki ang puso, yung mapagmahal." Tatawa tawang sabi pa nya. Nakangusong umirap naman ako. Tata

