Cassandra POV "D-DONYA Silvina.." Napadta ako ng mapagsino ang dumating na bisita. "Magandang gabi po Donya Silvina." Magiliw na bati ni Ate Malou sa donya na tipid lang syang nginitian. Sa akin naman tumingin ang donya. Matiim naman ang tingin nya sa akin na parang binabasa nya ako. Kinakabahang nagbaba ako ng tingin. "Good morning po Donya Silvina.." Bati ko. "Good morning iha." Ngumiti sya sa akin kaya't nginitian ko na rin sya. Sya namang pasok ni Ninong Mannox at Mang Castor na may dalang mga gamit. Nginitian at tinanguan pa ako ni Mang Castor. Gumanti din ako ng ngiti sa kanya. May kasunod pa silang isang babae na pamilyar sa akin. Kasambahay sya sa hacienda. "Mama, sa ibabang guestroom po ang pinahanda kong kwarto nyo para hindi po kayo mahirapan." Saad ni Ninong Mannox.

