Cassandra POV KUMATOK ang isang lalaki sa bintana sa may driver seat. Binaba naman ni Kuya Gary ang salaming bintana. "Anong atin boss?" Tanong ni Kuya Gary. "Boss, manghihingi lang sana ng pabor. Baka may spare tire ka dyan. Naflatan kami eh." Nakangising sabi ng lalaki. "Oo nga boss." Sabi ng isa na lumapit at tumapat sa bintana namin. Sumilip pa sya. Dahil hindi heavily tinted ang salamin ay nakita nya kami ni Nala sa loob. Ngumisi sya. Kinilabutan naman ako sa ngisi nya. "Sino ba yang mga yan? Parang mga manyak." Saad ni Nala. "Hindi ko alam." Pero may kaba na sa dibdib ko. Tumingin ako kay Kuya Gary at Kuya Menacio na nakahawak na sa baril nyang nakasuksok sa tagiliran. Alerto na sya kaya lalo akong kinabahan. "Pasensya na boss. Wala kaming spare tire eh. Sa iba na la

