KABANATA 23 JADE Hindi ko alam kung magiging okay ang plano ni Jared para sa first date namin. Puro kasi kalokohan eh. Napansin niya raw kasi na tuwing nasa cafeteria kami, madalas ang palitan ng mga tingin ng yaya ko na si Ate Mira at ni Kuya Jun. Si Kuya Jun ang waiter/dishwasher sa cafeteria ng school. Sinubukan daw niyang kausapin si Kuya Jun para tanungin at paaminin kung may gusto sa yaya ko at tama ang hinala niya. But the problem is, si Kuya Jun natotorpe raw, hindi alam kung paano popormahan si Ate Mira. Kaya itong si Jared nag-offer na tutulungan daw niya si Kuya Jun. “Jared, sure ka ba sa plano mo?” tanong ko sa kanya. “Oo, mula sa polo na susuotin, pabango, pati nga sasabihin ni Kuya Jun inayos ko na.” “Gumastos ka pa talaga ah.” “Hindi, ‘yung damit at pabango, kay Daddy.

