KABANATA 19

2639 Words
KABANATA 19 “Jade! Jade!” Dahil na kina Jade lang ‘yung atensyon ko, ‘di ko napansin na nakasunod na pa lang lumalangoy si Dad sa ‘kin. Nalaman ko na lang nang kunin sa ‘kin ni Dad si Kiko. “Jade! Jade!” paulit-ulit kong tinatawag ‘yung pangalan niya hanggang sa madala ko na siya sa tabing-dagat, pero wala pa rin talaga. Sobrang takot na ‘yung naramdaman ko. Takot na mawala si Jade. Takot na mawala siya sa ‘kin. “Jade, gumising ka!” Marunong akong mag-CPR kaya ‘di na ‘ko nagdalawang isip at ginawa ko ‘yon agad sa kanya. Habang ginagawa ko ‘yung CPR, kinakausap ko si Jade kahit ‘di niya ‘ko naririnig. Wala na rin akong pakialam kahit sino’ng makarinig. Umiiyak na rin ako at wala akong pakialam sa nakakakita. “Jade, gumising ka! Huwag mo ‘kong iiwan! I’m sorry... I’m sorry, ngayong ko lang nalaman! Hindi ko kaya na wala ka, kaya gumising ka na d’yan! Jade!” Tuloy pa rin ako sa pag-CPR pero parang walang nangyayari. Naririnig ko na ring nag-iiyakan sina Mommy. “Jade, mahal kita! Please ‘wag mo rin akong iiwan! Please!” Biglang umubo si Jade at may sinuka siyang tubig. “Jade, salamat... Salamat.” Niyakap ko siya nang mahigpit. Akala ko talaga ‘di na siya gigising pa. Akala ko mawawala rin siya sa ‘kin. “Jared,” narinig kong sinabi ni Jade ‘yung pangalan ko. “Nakahanda na ‘yung sasakyan!” sigaw ni Dad. Binuhat ko si Jade, para isakay sa sasakyan. Si Kiko nakasakay na sa likod ng van, kasama si Manang. Si Dad ang magmamaneho habang si Mommy ang maiiwan para samahan sina Inah. Gising si Kiko at mukhang ayos naman siya, pero para makasigurado na ayos silang dalawa, dadalhin namin sila sa ospital. May inabot na mga towels si Mommy sa ‘kin para ibalot ko kay Jade ‘yung isa, at ‘yung isa naman sa ‘kin. Meron din siyang binigay para kina Kiko at Manang. Buong byahe nakayakap lang ako kay Jade, hanggang makarating kami sa ospital. Kung pwede nga lang ayoko na siyang bitawan. Inasikaso na sila ng mga nurse at doktor at naghintay na lang kami. Si Manang umiiyak pa rin. Si Dad tahimik, pero kita sa mukha ‘yung pag-aalala niya. Nang matapos silang tingnan, kinausap na kami ng doktor. Ayos na raw silang pareho at pwede na rin daw umuwi. Pero kung nag-aalala pa rin kami, pwede namang mag-stay pa ng isang araw sa ospital. Pinili ni Daddy na mag-stay pa raw ng isang araw para mas maobserbahan pa sila. Inutusan din ako ni Dad na tawagan ‘yung mga magulang ni Jade para sabihin ‘yung nangyari, kaya tinawagan ko naman agad. Papa ni Jade ang naka-usap ko. Alalang-alala siya kaya pupuntahan raw nila agad si Jade. Magkasama sa isang kwarto sina Jade at Kiko. Nang pumasok ako sa kwarto nila natutulog na si Kiko at nasa tabi ng kama niya si Manang. Si Jade gising at tahimik lang siyang nakatitig sa iisang direksyon. Pagpasok ko sa kwarto nila napatingin si Jade sa ‘kin. “Jared?” parang patanong ‘yung pagkakasabi niya. Nakakunot pa ‘yung noo niya. “Kumusta ka na?” tanong ko sa kanya habang naglalakad ako palapit sa kama niya. “Okay lang.” Hinawakan ko ‘yung kamay niya. “Alam mo bang tinakot mo ‘ko kanina,” mangiyak-ngiyak kong sabi, pero pinigilan ko. “Sorry. Dapat pala nagpaturo na ‘ko lumangoy sa ‘yo kanina, para marunong na ‘ko at hindi ka nag-alala pa.” “Bakit mo ginawa ‘yon? Alam mong ‘di ka marunong lumangoy. Akala ko talaga mawawala ka na,” hinawakan ako ni Jade sa mukha. “Ginawa ko ‘yun kasi alam kong ‘yun ang dapat Jared. Hindi ko kayang pagdaanan ni Aya ‘yung pinagdaanan ko. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng kapatid, lalo na ng kakambal,” paliwanag niya sa ‘kin at kung ako man ang nasa sitwasyon niya gano’n din ang gagawin ko. Pero natakot talaga ako kanina at ayoko na ‘yon maulit pa, kaya sinabi ko kay Jade na ‘wag na ‘wag na niya ulit ‘yon gagawin, kasi hindi ko kaya na mawala siya. Ngayon pa na alam ko na, na mahal ko siya. “Hindi na. Basta palagi ka lang sa tabi ko,” nakangiti na siya ngayon. “Oo, pangako. ‘Di ako aalis sa tabi mo. Kahit ipagtabuyan mo pa ako, hindi ako aalis,” pangako ko sa kanya. Medyo natawa siya, siguro iniisip niya ang OA ko. “Pangako talaga ‘yon Jade, ‘di kita iiwan.” “Thank you.” “Ano nga pa lang nangyari kanina Jade? Paanong napunta si Kiko sa dagat?” tanong ko sa kanya. ‘Di pa kasi namin alam kung ano’ng totoong nangyari. Sabi niya iniwan lang daw niya saglit sina Inah, Kiko, at Aya para magtimpla ng juice at kumuha ng cake sa kitchen dahil gusto raw ng mga bata, kaso pagbalik niya wala na ‘yung tatlo, at nang hanapin raw niya sa labas, nakita na niya si Kiko na tinatangay na ng alon palayo, kaya raw kahit takot siya at ‘di marunong lumangoy, sinubukan niyang iligtas si Kiko. “Sa tingin ko sinubukan nilang palutangin sa tubig ‘yung barkong papel na ginawa nila,” dagdag pa ni Jade. Siguro nga gano’n ang nangyari, mga bata pa kasi at curious sa lahat ng bagay. Gustong subukan at alamin lahat. Kinabukasan, tulad ng sinabi ng Papa ni Jade, maaga silang dumating sa ospital. Pero ang ‘di namin inaasahan ay ‘yung reaksyon ng Mama ni Jade. “Jade, baby ko!” umiiyak na sabi ng Mama niya at niyakap siya. “Sabi ko kasi sa ‘yo huwag ka na sumama, ang tigas ng ulo mo. Ang tigas ng ulo n’yo ng Papa mo!” “Mama, I’m okay.” “Hindi! Hindi ka okay!” tumingin ‘yung Mama niya sa ‘min. “Pasalamat kayo walang masamang nangyari sa anak ko, dahil hindi ko talaga kayo mapapatawad! Nawalan na ‘ko ng isang anak nang dahil sa pagkalunod, hindi ko na kakayanin na mawalan ng isa pa!” “Mrs. Perez, we’re very, very sorry, pero hindi naman po namin ginusto ‘yung nangyari,” paliwanag ni Mommy sa Mama ni Jade. Kami lang ni Mommy ang nasa kwarto na kasama ni Jade, si Dad kasi bumili ng pagkain, habang si Manang at Kiko, naglakad-lakad sa labas ng ospital. Naiinip na kasi si Kiko kaya ipinasyal muna ng lola niya. “Wala akong pakialam kung ginusto n’yo o hindi. Kayo ang nakakatanda, responsibilidad n’yo na tingnan ‘yung mga bata! Hindi na ‘ko papayag pa na lumapit sa inyo ‘yung anak ko! Hindi na!” galit na galit na sabi ng Mama ni Jade. Ilalayo nila sa ‘kin si Jade? Hindi pwede. “Hindi po pwede ‘yon. Hindi po ako papayag!” Hinawakan ako ni Mommy para awatin. Alam kong magkaibigan pa lang kami ni Jade, wala kaming relasyon at wala pa akong karapatan. ‘Di ko pa nga nasasabi sa kanya na mahal ko siya, ‘di pa niya naririnig na sabihin kong mahal ko siya, tapos ilalayo nila siya sa ‘kin? ‘Di ako papayag. “At bakit? Sino ka ba at ano ka ba ng anak ko?” “Mama tama na po,” awat ni Jade. Kita sa mukha niya na nahihiya siya sa mga sinasabi at ginagawa ng Mama niya sa harapan namin. “Jade, mag-ayos ka na at uuwi na tayo,” matigas na sabi ng Mama niya, kaya walang nagawa si Jade at kahit kami walang nagawa. Sila ang magulang at mas may karapatan silang magdesisyon para sa anak nila. Wala rin akong magawa dahil si Mommy dinaan ako sa tingin na parang sinasabing, ‘wag na ‘kong kumontra pa para ‘di na lumala pa ‘yung sitwasyon. “I’m sorry Jared,” ‘yun lang ang huling nasabi ni Jade sa ‘kin, bago sila umalis. Naiinis ako sa nangyari pero wala akong magawa. Magulang sila ni Jade at alam kong tulad ko natakot lang din sila sa nangyari kay Jade. Pero tama bang ilayo nila siya sa ‘kin? Sa ‘min? Mahal ko si Jade at hinding-hindi ko naman hahayaan na may mangyari pang masama sa kanya hangga’t nasa tabi niya ‘ko. ‘Di ko na hahayaan na may mangyari pa ulit sa kanya ng tulad ng nangyari kahapon, kaya ‘di siya pwedeng ilayo sa ‘kin. Hindi. “Jared, ano’ng iniisip mo?” tanong ni Mommy. Ilang minuto pa lang naman silang nakakaalis. Sigurado akong ‘di pa sila nakakalayo, malamang palabas pa lang sila ng ospital. Alam kong hindi magugustuhan ni Mommy ‘yung gagawin ko. Hindi ko na sinagot ‘yung tanong niya at tumakbo ako palabas ng kwarto. “Jared, saan ka pupunta?!” narinig ko na lang na sigaw ni Mommy. Tumakbo ako palabas ng ospital. Palinga-linga baka sakaling makita ko sila. Naisip ko baka nasa may parking lot na sila, kaya doon ako sunod na nagpunta at nakita ko nga sila doon. Si Jade papasok na ng kotse nila. “Jade!” tinawag ko ‘yung pangalan niya. Narinig nila ako at napatingin pa si Jade at ‘yung Mama niya sa ‘kin. Dahil doon dali-dali tuloy siyang pinasakay ng kotse. Pasakay na rin ng kotse ‘yung Mama niya nang makalapit ako sa kanila. “Tita, sandali lang po,” hinawakan ko sa braso ‘yung Mama ni Jade. “Jared,” tinawag ni Jade ‘yung pangalan ko at nakita ko siyang nakaupo sa loob ng kotse at umiiyak na nakatingin sa ‘kin. Lalabas sana siya ng kotse pero pinigilan siya ng Mama niya. “Tita, magpapaliwanag po ako, please ‘wag niyo naman pong ilayo sa ‘kin si Jade.” “Bitawan mo ‘ko, hijo. Hindi pa ba malinaw sa ‘yo ‘yung mga sinabi ko kanina? Ayokong lalapit ka sa anak ko! Ni kausapin ka ayoko. Kahit magkita pa kayo sa school, umiwas ka. Dahil kung hindi, kahit tingnan o makita pa ang anak ko, hindi mo na magagawa.” “Tita, ano pong ibig n’yong sabihin?” “Ilalayo ko siya, ipapadala ko siya sa lugar na hindi mo talaga siya malalapitan, para hindi siya mapahamak!” “Mama, tama na po…” pagmamakaawa ni Jade. “Jared, hayaan mo na kami umalis,” ‘di ko pinakinggan si Jade, tuloy pa rin ako sa pakikipag-usap sa Mama niya. “Tita, sobra naman po ‘yon. Huwag n’yo naman pong gawin ‘yon.” “Sobra? Bakit? Naranasan mo na bang mawalan ng anak? Alam mo ba kung gaano kasakit? Kaya kahit ano pang sabihin n’yo, buo na ‘yung desisyon ko. Hindi na pwedeng makipagkaibigan pa sa ‘yo ‘yung anak ko!” saka niya tinanggal ‘yung pagkakahawak ko sa braso niya, at sumakay sa kotse at sinarado ‘yung pinto. Si Jade, iyak lang nang iyak. “Tita, please! Tita!” kinakatok ko ‘yung bintana ng sasakyan nila, pero ‘di ako tinitingnan ng Mama ni Jade. Si Jade naman nakatingin sa ‘kin at iyak nang iyak at paulit-ulit sinasabing ‘Jared, I’m sorry… I’m sorry…’ Ilang saglit lang pinaandar na ng Papa niya ‘yung kotse at naiwan lang akong nakatayo mag-isa sa parking lot. Pagbalik ko kina Mommy, ang dami niyang tanong. Kung ano raw ang nangyari, saan daw ako nagpunta, sinundan ko raw ba sina Jade. Alam kong nag-aalala lang siya sa ‘kin. “Mommy, bakit po sila gano’n?” ‘yun lang ang nasabi ko tapos niyakap ako ni Mommy. “Anak, intindihin mo na lang muna. Kung sa ‘kin man mangyari ‘yon, baka gano’n din ang maging reaksyon ko. Walang magulang na gustong mapahamak ang anak nila.” Tama naman si Mommy sa sinabi niya. Sana lang talaga ‘wag nilang totohanin na ilayo sa ‘kin si Jade. Nilabas na namin ng ospital si Kiko, saka kami bumalik sa beach house. Pagdating namin, lahat sila tinatanong kung nasaan si Jade, kaya kinuwento ko sa kanila ‘yung nangyari. Malungkot sila, pero naintindihan din naman nila ‘yung naging reaksyon ng Mama ni Jade, sana lang daw magbago pa rin ‘yung isip, baka raw kasi bugso lang ng damdamin kaya nasabi ‘yung mga ‘yon. Sana nga. Kinabukasan sa school, ‘di pumasok si Jade. Sinubukan kong tawagan ‘yung phone niya pero naka-off. Tiningnan ko rin kung online siya sa Skype or f*******:, kaso hindi. “Ano na kayang nangyari kay Jade? Totohanin nga kaya ng Mommy niya ‘yung sinabi niya?” tanong ni Jeff habang naglalakad kami palabas ng school kasama si Kristine. “Hindi ko masyadong kilala ‘yung Mommy ni Jade. Once palang kasi akong nakapunta sa bahay nila nang maging partner ko sa isang school project ‘yung ate ni Jade na si Jasmine and first impression ko naman sa Mommy nila, mukha siyang mabait. ‘Yun nga lang sa kwento ni Jade sa ‘kin nang maging close na kami, nagbago raw ‘yung Mommy nila nang mamatay ‘yung ate niya at kahit naman si Jade, nagbago rin. Masakit naman kasi talagang mamatayan ng mahal sa buhay. Kung sa ‘kin mangyari ‘yon, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko para maka-cope sa sitwasyon,” sagot naman ni Kristine. Ang hirap siguro ng pinagdadaanan ni Jade ngayon. Kailangan niya ‘ko sa tabi niya. “Sige, mauna na ‘ko sa inyo.” Paalam ko kina Jeff at tumakbo na ‘ko papuntang parking lot. “Uy, Jared! Hindi ka na sasama sa ‘min kumain?” sigaw ni Jeff. Nagyaya kasi sila kumain sa labas ng school bago kami umuwi. Lumingon ako sa kanila. “Hindi na! Kayo na lang muna. Next time na lang ako sasama!” sagot ko kay Jeff bago ako tumakbo ulit paalis. Kung ‘di ko makakausap o makikita si Jade, pupuntahan ko siya sa bahay nila. ‘Di kasi ‘ko mapapakali hangga’t ‘di ko alam kung ano’ng nangyayari sa kanya. Nagmaneho ako papunta sa bahay nila at pagdating ko, pinarada ko ‘yung kotse sa harap ng bahay nila. Hindi muna ako bumaba ng sasakyan, inisip ko muna kung paanong approach ba ‘yung gagawin ko. Tita, nasaan po si Jade? Hindi, masyadong direct to the point. Tita, kumusta po? Hindi. Malamang ang isasagot ng Mama niya, “Hindi mabuti.” Pagkatapos ng nangyari alangan namang maganda ang sabihin niya ‘di ba? Tita, mahal ko po ‘yung anak n’yo kaya huwag n’yo po siyang ilayo sa ‘kin. Hindi. Baka lalong magalit at lalong ilayo sa ‘kin si Jade. Tsk! Ano bang sasabihin ko? Bahala na nga! Tsk! Bumaba na ‘ko ng kotse at naglakas-loob akong mag-doorbell. Sino kayang lalabas? Mama niya o Papa niya? Sana Papa niya. Kaso Lunes ngayon baka nasa trabaho pa ‘yon. Sana si Jade. Hay… Asa naman akong palabasin siya, lalo na ‘pag nakitang ako ang nandito. Nakita ko nang unti-unting bumubukas ‘yung pintuan ng bahay nila at sobra ‘yung kaba ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD