Nagising si Penelope na sumasakit ang kanyang ulo. At pagbukas ng kanyang mga mata ay madilim na sa labas. Napatingin s’ya sa relong nasa bisig. Alas-diyes na ng gabi ang nakalagay doon. Marahan s’yang bumangon at nagtungo sa banyo. Naisipan niyang maligo upang mawala kahit papaano ang sakit ng ulo niya. Masyado niyang dinamdam ang sitwasyon nila ngayon ni Timothy kaya matagal din s’yang nag-iiyak kanina. Ni hindi na nga niya namalayan na nakatulog pala siya. Habang nasa ilalim ng malamig na tubig ay malalim siyang nag-isip. Kung ganito ang gustong mangyari ni Timothy hahayaan na lang niya ang lalaki. Tutal nasa usapan naman nila ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa . Siguro ay iyon din ang iniisip nito. Ang irespeto lahat ng magiging pasya niya. Hindi na lang siya aasa na mad

