"Saan ka ba nanggaling?" agad na tanong ko kay Roxy nang salubungin ko ito.
Nakasimangot lang ang babae habang nakasunod sa likod nito ang patpating lalaking inutusan ko kanina. Dere-deretso lang si Roxy sa loob ng bahay kaya napasunod agad ako rito.
"Nauna na'kong kumain sa sobrang gutom ko, hindi na kita hinintay, R-Roxy."
Nanlaki ang mata ng babae at agad itong napahawak sa kamay ko. Sunod-sunod ang pag-iling nito nang hawakan pa ang mukha ko.
"M-Mihael, h-hindi ka dapat kumain ng pagkain nila. Ano ka ba! Baka m-mapa'no ka."
Gustong kong matawa sa takot na nakikita ko sa kanya. Ginulo ko na lang ang buhok nito dahil wala na'kong masabi pa. Agad kong hinila palabas ng bahay ang dalaga pero pumiksi ito kaya nabitawan ko siya.
"Ano'ng kinain mo?" Nanlalaki ang butas ng ilong ni Roxy nang iharap muli nito ang kaibigan sa kanya. "S-sana hinintay mo'ko, hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na'to."
Labis akong naguluhan sa pinagsasabi nito pero may kaluskos akong narinig sa likod ng pinto namin kaya napalingon ako rito. Ang matandang babae na si Lola Iryang ang nakangiting nakatunghay sa'min.
"S-sabay-sabay na tayong lahat k-kumain. Sasamahan kayo ng apo ko papunta sa kabilang plaza para naman maranasan niyo ang kapiyestahan dito sa amin. Siguradong maaaliw kayo sa mga palabas doon." Pumasok na sa loob ng kwarto ang matanda bago binalingan si Roxy. "Ikaw, iha... sumabay ka na. Espesyal ang putaheng hinanda ko para sa inyo. A-alam kong nananabik ka na sa lutong probinsya dahil taga-Maynila kayo."
"Actually po, kumain na'ko pero kaunti lang naman dahil gusto ko rin namang sabayan si Roxy. Let's go!" Hila ko na sa kamay ang atubiling dalaga. Nanlalamig ang kamay nito at mukhang hindi ito mapakali. "Lola, ok lang po bang iwan mo muna kami? Kailangang magbihis ni Roxy." Pinasadahan ko ng tingin ang suot ng babae na basa na at tumutulo pa ito sa kawayang sahig nang tingnan ko ang paanan nito." Nahabol ko ng tingin ang matanda nang magpatiuna na itong lumabas. "Ano'ng nangyari? Ba't basang-basa ka, ha? S-sana ginising mo'ko para nasamahan kita kung sa'n ka man nagpunta."
"Mihael..." Nahawakan ng dalaga sa kwelyo ang binata. "U-umalis na tayo, p-please naman." Isang malalim na paghinga ang ginawa ng dalaga nang hawakan nito sa kwelyo ang kaibigan. "Ano kasi, kailangan ko yatang pumunta sa doktor. M-Masakit ang tiyan ko kanina p-pa. Please, kailangan kong pumunta ng ospital."
"W-what?" Agad kong nilabas ang t-shirt ko sa isang bag na bitbit namin. "Change your clothes. Baka lalo kang magkasakit... wait.
Akmang maghuhubad ang babae sa harap ko kaya ang ginawa ko, pumunta ako sa pinto para isara ito bago humarap sa kanya. "Bukas tayo uuwi kung gusto mo, kaya pa ba?" Kilala ko ang kaibigan kong ito pero sa nakikita kong distress sa mukha nito, mukhang may dinadala nga ito. "What if, uminum ka ng herbal plant muna baka maging ok ang pakiramdam mo." Lumapit ako rito para iabot ang ilang pang gamit nito sa katawan.
"Thank you, best. I love you talaga."
Akmang hahalikan ako ng dalaga sa pisngi pero umiwas agad ako sa kanya. "Maligo ka muna, Roxy, bago ka magbihis." Napatda ako nang bigla nitong tinuloy ang paghuhubad sa harap ko.
Parang wala lang sa babae ang ginawa nito. Gusto kong umiwas ng tingin pero napako na ang tingin ko sa hubad na katawan nito. Napalunok ako bigla. Wala ng pang-itaas ang dalaga at short na lang nito ang natira.
"K-kung alam ko lang na hindi tayo uuwi agad, sana nagdala ako ng bihisan ko." Napasimangot ang dalaga nang isuot nito ang damit ng lalake. "Ang laki nitong t-shirt mo." Sinampay na lang nito sa bintana ang nahubad nito pagkatapos itong pigaan.
Ako ang naglagay ng gamit ko kanina sa bag ko kaya nakapagdala ako. Sunod-sunod na ang paglunok ko nang isunod na ng babae ang short nito. Why I suddenly felt it? May kung ano'ng binuhay ang babae sa katawan ko. Mahal ko si Roxy bilang kaibigan pero hindi ko mapangalanan ang damdaming nasa loob ko sa matagal na panahon ng pagkakaibigan namin. Espesyal ang dalaga sa'kin pero hindi ko ito in-open up sa kanya. Umiwas agad ako ng tingin at wala na'kong maapuhap na salita. Nang mapatingin ako sa kanya, sinasampay na nito ang nahubad kasama ng ilan pa sa bintana.
"B-bat diyan mo n-nilagay, R-Roxy? May mga lalaki sa labas, baka..." Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang dambahin ako ng babae. Nakayakap na ito sa'kin at nakapulupot ang mga hita nito sa bewang ko.
"Mihael, p-please. Umalis na tayo ngayon. Huwag na tayong magpalipas ng gabi rito." Nakapulupot na ang kamay ng dalaga sa leeg ng kaibigan. "T-tsaka kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko, eh. P-please naman."
Halos naaamoy ko na ang hininga ng babae sa sobrang lapit ng mukha nito. Nailang ako sobra. Never pa'kong nagka-girlfriend sa tanang buhay ko at tanging si Roxy ang babaeng malapit sa'kin. Hindi ko alintana ang bigat ng babae basta ang alam ko, nakayakap ang braso ko sa balingkinitan nitong katawan.
"R-Roxy..."
"Please, Mihael."
"Please what, Roxy?"
Nangunot ang noo ko nang pagkiskisin ng dalaga ang ilong namin. Ilang taon pa ba ang kaya kong kontrolin para itago ang nararamdaman ko sa kanya? Natatakot akong masaktan dahil ilang beses ko na itong nararanasan. Ang mga frustrations ko sa buhay. Ang epekto ng pamilya ko sa buhay ko dahil sa kawalan ng oras ng mga ito. Ayokong masaktan kaya pinipilit kong maging manhid sa lahat ng bagay... 'yong wala akong pakiramdam pero ang tagpong ito, hindi maipagkakaila ang umuusbong kong damdamin para kay Roxy. Hindi ko tiyak itong nasa loob ko. Nasanay na'ko sa presensiya niya.
"M-Mihael?"
Nakanguso na ang babae sa harap ko nang magpantay ang mukha namin. Naibaba ko na siya pero ang mga braso nito, nakapulupot pa rin sa'kin kaya nakayuko pa rin ako.
"Can you stop, woman?" inis kong utos pero hindi ito natinag nang pagdikitin nito bigla ang mga labi namin. Ngiting-ngiti ang babae nang maglayo ang mukha namin. "You're a naughty girl!"
Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang gawin iyon ni Roxy. Ito ang unang beses na nakahalik ako ng babae.
"S-sorry, best." Pigil ni Roxy ang pagngisi nang magpa-twinkle eyes pa ito sa lalaki. "Ano, aalis na ba tayo ngayon? T-tsaka 'di ko feel ang mga pagkain dito. Hindi ako mahilig sa karne."
Hindi ko alam pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong selyado na ang labi nito ng labi ko. Nanlaki ang mata ng dalaga sa ginawa ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa leeg ko. Malumanay lang nang una hanggang lumalim ang halik ko sa kanya. Bagong karanansan ito sa'kin at si Roxy lang ang nakapagbigay ng ganitong pakiramdam sa'kin noon pa.
"M-Mihael..." Hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga nang titigan ng binata matapos ang kapangahasan nito. Titig na titig ito sa labi ng binata kasabay ng dahan-dahang pag-alis ng kamay nito sa leeg ng lalaki. Biglang tinampal nito ang nagulat na lalaki sa balikat. "Ikaw, ha. Gaya-gaya ka sa ginagawa ko. Joke lang 'yon." Pulang-pula na ang mukha nito at hindi ito makatingin nang deresto sa kaharap.
"R-really?" alanganing tanong ko. "D-do you... like it?" Hindi ako sigurado sa tanong ko pero ito agad ang lumabas sa bibig ko.
Natatakot akong magalit sa'kin ang kaibigan ko. First time in my life ko itong ginawa at hindi ko man lang ito nakitaan ng pagpoprotesta. Seconds lang iyon pero parang kay bagal ng oras nang gawin ko iyon. Parang naging slow motion ang lahat sa'kin. Nagulat ako nang mahinang tampalin ni Roxy ang pisngi ko. Nasa likod na nito ang knapsack bag ko. May hawak na rin itong plastic sa kamay.
"Mga basang damit ko 'to. M-magpaalam na tayo sa kanila. Ang baho rito, promise. Hindi ako makakatulog sa amoy dito, best." Ngiting-ngiti ang dalaga nang hilahin nito ang kamay ng kaibigan. "Sabihin na lang natin sa kanila na tatambay muna tayo sa plaza," pabulong nang saad nito bago pa man tuluyang makalabas ng bahay-kubo.
Nag-uumpukan na sa isang pahabang mesa ang ilang kalalakihan at mga matatanda. Wala akong makita ni isang bata ngayong gabi. Agad silang napalingon sa'min nang lumapit kami. Mga gasera ang gamit ng mga ito na nakapatong sa lamesa. Napatingin ako sa kalangitan, nakatulong ito para lumiwanag ang paligid.
"U-umupo na kayo nang makakain na," anyaya ng isang matandang babae. Tumutunog ang pagsipsip nito sa hawak na karne. Naramdaman ko ang pagpisil ni Roxy sa kamay ko.
Maraming putahe ang nakahanda sa lamesa. Kaunti lang ang kinain ko kanina pero kung ipipilit ko, siguradong magre-react na naman 'tong isa.
"Ang kaibigan ko po," panimula ko.
"M-masakit po ang tiyan ko k-kanina pa," singit ni Roxy. "Gusto ko pong magpa-check up sa bayan."
Alam kong nagpapalusot lang ang babae para makaalis na kami ngayon pero nang tingnan ko siya, nakikita ko ang pamumutla nito kaya nag-alala na rin ako.
"Albularyo si Lola Iryang. Pwede kang magpagamot sa kanya, iha," singit ng isa pang matanda. "Pagkatapos niyong kumain, magpatingin ka sa kanya."
Nakatutok sa'min ang mata ng mga ito kaya napangiti ako. Gusto kong mapakamot sa kalokohan ni Roxy. Nanlalamig pa rin ang kamay nito nang pisilin ko. Pagbibigyan ko na lang ang babae sa hiling nito.
"B-baka may alam po kayong makahatid sa'min pauwi? Tricycle o kahit ano po." Napatingin ako kay Lola Iryang nang tumayo ito bigla. "Balak ho sana naming tumambay sa plaza pero mukhang kailangan ko na siyang dalhin sa bayan."
Naramdaman ko ang paghawak nang mahigpit ng kamay ni Roxy sa'kin. Napaurong ito kaya napasunod ako nang lumapit pa lalo ang matandang babae. Titig na titig ito sa dalaga at mukhang nag-iba ang mukha nito ngayon. Nakita ko ang galit sa mukha ng babae nang hawakan nito bigla sa kamay ang nagulat na dalaga.
"Kahit ano'ng takbo mo, hindi ka pa rin makakaalis kung ano ka! Wala kang pupuntahan. Isa ka rin..." Biglang tumingin ang matandang babae kay Mihael. "Kung gusto niyong umalis, makakaalis na kayo pero kung gusto niyong kumain, umupo na kayo. Bukas ang tahanan ko sa mga bisita pero hindi ko kayo pipigilan sa nais niyo."
Napatingin ako sa matanda nang magmartsa ito palayo sa amin. Hindi ako pinansin ng matanda nang lagpasan ako nito. Pumasok ito sa loob ng bahay. Sa edad nito, nakikitaan ko pa rin ito ng kalakasan. Napapailing ako nang balingan ko si Roxy. Nakasimangot ang dalaga sa'kin. Mukhang nasaktan ko ang matanda pero huli na. Nasabi ko na ang pag-alis namin.
"We'll go now, ok?" Binalingan ko ang iba pang natutok ang tingin sa amin. "Pasensiya na po kayong lahat, masama po kasi ang pakiramdam ng kasama ko. Kailangan na naming bumalik." Kahit ayaw ko pa, si Roxy pa rin ang masusunod. Kanina ko pa nararamdaman ang nanlalamig nitong kamay.
Naghintay lang akong may mag-offer ng hatid sa amin pero walang umimik ni isa sa mga ito. Nagsipagbalik ng kain ang mga ito at hindi na kami pinansin.
"T-tara na, Mihael." Yakag ng dalaga nang may pagmamadali.
Nahiya ako dahil mukhang nagalit ang mga ito pero hindi na kami mapipigil pa. Cellphone ko ang ginawa kong torch para makita namin ang daan kahit pa kabilugan ng buwan.
"Ang sasama ng ugali, ni hindi man lang tayo hinatid. See? I told you, kala mo ang babait nila." Padabog ang paglalakad ni Roxy nang sundan nito si Mihael na nasa unahan. "Hinding-hindi na tayo babalik dito, ha."
Saglit akong napahinto nang makita ko ang isang matanda sa kabilang bahagi ng ilog. Nakatayo lang ito at nakatingin sa amin. Sumaludo lang ako sa kanya pero hindi ko alam kung nakuha nito ang pagbati ko. Humigpit ang hawak sa'kin ni Roxy nang lagpasan namin ang babae.
"Deretso lang, Mihael. Huwag ka nang titingin sa kung saan-saan, baka magaya ka sa'kin na nahulog sa ilog."
Natigilan na naman ako nang lumiko ako, ang matandang babae! Nasa unahan na namin ito. Lumagpas na kami sa ilog. Sigurado akong ito ang matanda na nakita ko sa kabilang bahagi ng ilog na nakatingin sa'min kanina. Punong-puno ako ng pagtataka o baka naman may hawig lang ito sa isang kasamahan nito. Alam kong magpamilya ang mga ito kaya siguro magkakamukha.
"Sabi ko, deretso lang, eh." Hila-hila na ng dalaga ang kaibigan at umirap pa ito nang mapatapat sa matandang babae. "Huwag mo na kaming sundan, Manang. Mapapagod ka lang."
Nagtaka ako sobra. "Kilala mo, Roxy?" Nang mapatingin ako sa likod, nagulat ako sobra. Wala na ang matanda! "Roxy, she's gone!"
"I know," mataray na sagot ng dalaga. "Kaya nga gusto ko nang umalis dahil kakaiba sila, best, pero hangga't kasama mo'ko, hinding-hindi ka mapapahamak."
"Ano?" Natawa ako sa sinabi nito. "Ako ang magpoprotekta sa'yo, hindi ikaw. Kababae mong tao. Nandiyan lang 'yan si Lola sa tabi-tabi. Puro kakahuyan na rito, malamang naglakad na 'yon palayo."
Natigilan ako nang huminto si Roxy bigla. Panay ang linga nito sa paligid. "Best, hindi ito ang dinaanan natin kanina."
"So, naliligaw tayo?" mabilis kong tanong. Tama nga ito dahil wala kaming nadaanan na ganito. Palayan kanina ang nadaanan namin at ilog pero ang kinaroroonan namin, gubat na ito. Nang suyurin ko ang paligid, mga kahoy na ang nakikita ko. Napatingin ako sa likod kung saan ang ilog pero hindi ko na ito makita pa.
Natatakpan na rin ng mga puno ang sinag ng buwan kaya may kadiliman sa gawi namin. Hila-hila ako ng dalaga kaya napasunod na lang ako kung saan ito magpunta.
"Hindi ko maamoy kung sa'n tayo nanggaling kanina. Naliligaw tayo, Mihael!"