Nanginginig ang kamay ko nang umangat ito. Nang mahawakan ko na ang bato, t***k ng puso ko lang ang naririnig ko habang nakatitig dito nang matiim. Sa wakas... "R-Roxy." Bago pa mahuli ang lahat, walang pag-aalinlangang sinubo ko ang bato bago pa makuha ito ni Mihael. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pait sa lalamunan ko. Napaubo pa ako nang magtagumpay ako sa nais ko. "P-please help m-me, R-Roxy." Ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin si Mihael. Isang putok ang tumama rito kanina na ikinabulagta nito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko pero wala namang kakaibang nangyayari sa'kin. Kaya kong kontrolin ang kapangyarihan na dala nito; hindi kagaya ni Mihael na isinadlak nito ang sarili sa kasamaan. May galit man akong na

