Marahan akong tumango-tango. Oo nga naman, ano bang pinapag-alala ko? Kasama ko siya kaya dapat akong magtiwala. Naging panatag na ang kalooban ko gaya ng hiling niya. Lumalim pa ang paghinga ni Chaeus. Hindi na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Niyakap ko na lang ang dalawa niyang braso. “Gusto mo bang mahiga muna tayo?” Tumango ako bilang pagpayag dito. Nakita ko rin kasi na ngalay na siya. Nahihiya lang siguro siyang aminin. “Sige.” “Kapag tumila ang ulan mamaya, saka tayo lumabas.” dagdag niyang inayos ang kumot sa aking katawan. “May mga bituin pa kaya mamayang makikita? Baka madilim pa rin ang langit.” sambit kong patagilid na humarap sa kanya, pilit hinuhuli ang mga mata niyang malikot na naman. “Tingnan natin mamaya.” Tumabi siya sa aking mahiga. Hindi naman a

