CHAPTER 7

2191 Words
Putragis! Ang gu-gwapo naman pala ng mga Policarpio! Ani Losang sa sarili habang papasok sa kusina. Na-meet na niya ang dalawang kapatid ni Yuel, si Sirr Throy na lang ang hindi. Sa tatlong magkakapatid na nakita niya mas nakikita niyang pilyo ay yung Yclyde tapos si Yuel, si Thrabis ang nakikita niyang seryoso at mukhang strict. E yung Throy kaya? "Natagalan ka ata hija?" -Mordoma "Ah, nakita ko po kasi sina Sir Yclyde at Thrabis e medyo nagkatanungan lang po." Pagsisinungaling niya sa matanda. "Talaga? Naku, nand'yan na ang mga alaga ko," sabi ng matanda na di maitatago ang saya sa mukha. "Manang Rose, ang gagwapo po pala nila noh? Kasarap magtrabaho rito." Pilya niyang sabi habang nilalantakan ang ubas na nakuha niya sa ref. "Tama ka hija. Ay naku panay papansin d'yan nina Madi at Deth akala mo naman mapapansin sila," ngisi ng matanda na ikinatawa niya. "Teka, parang narinig ko ang pangalan ko d'yan ah," Ani madi na may dala dalang mga luto ng putahe. "Sabi ni manang panay papansin niyo daw ni Deth kina Sir." -Losang "Ba, malay mo mapansin kami, naku instant reyna ako," Ani Deth na kakapasok lang galing dirty kitchen. "Sus. Magtigil ka nga d'yan, ang mayaman ay para sa mayaman lang. Ang mahirap ay para sa mahirap lang," anang matanda. Tila gusto niyang hindi sumang ayon doon pero nanahimik na lang siya. Hindi dahil ayaw niya ng argumento---gustong-gusto niya kaya 'yun. Hindi na lang siya kumibo dahil punong-puno ang bibig niya ng ubas. E sa matakaw siya e. Pagkanguya sa kinain nagpaalam siya sa mga kasama na lalabas muna. Tutal nakatulong naman na siya at di niya trabaho ang sa kusina. Palabas siya ng main door, nang makita niya ang mga sunod-sunod na kotseng dumating at tumigil sa maaliwalas na harapan ng mansion. Bumaba doon ang mga barkada ni Yuel. Kilala niya lang sa mga 'yun ay yung Matrix daw. Nagtuloy siyang baba sa ilang hakbang na hagdan at di na pinansin ang mga bagong dating. "Hai pretty," Sabi nung isa na pangisi ngisi pa. Hindi niya pinansin ito at nagtungo sa may pool.. "Whoah. Snob ka Kaji." Dinig niyang sabi ng kung sino man sa kanila, nagtuloy siya sa mabagal na paglakad. "Di kasi ako naligo ngayon kaya di gaanong napapansin kagwapuhan ko," sabi nung Kaji na ikinangiti niya. Mukhang Joker din iyon kagaya niya. __________________________________ ________________ Sinalubong ni Yuel, ang mga tropa niya na kadarating pa lamang. "Nasaan si Matrix?" Tanong niya nang makalapit sa mga 'to. Nagsitinginan ang mga kaibigan niya at sabay sabay na nagkibit balikat. "Nandito lang siya kanina e. Hayan pa nga kotse niya," sabi ni Dox. "E saan na nga?" Aniya na napapailing. "Jumingle lang 'yun,"  Ani Kaji, lahat ng atensyon nila ay kay Kaji napunta. Gross. Di pa niya na-try jumingle sa kung saan. "Ginagawa mo ba iyon?" Sabi ni Tyler na tila nandidiri. "Damn! Mukha bang gawain ko iyon ha?" Sabi ni Kaji na nanlaki ang mga mata. "Sige na pasok na at hahanapin ko lang ang isang Adezar," Ani Yuel at nilampasan ang mga kaibigan. Una niya talagang pinuntahan ay sa may swimming pool, papalapit pa lamang siya ay dinig na niya ang hagalpak ng Alien. At sino naman kaya ang kausap ng kutong lupang Losang na 'to? Aniya at binilisan ang lakad papalapit, nagtago siya ng bahagya sa mga halamanan ng kanyang ina at sumilip  sa tabi ng swimming pool. Then there, He saw Losang and Matrix having their moment. "May Limang baboy, Nasa tuktok sila ng bundok. Tumalon ang isa, ilan nalang natira?" Dinig niyang tanong ni Losang kay Matrix. "Apat? Apat 'yun." Sagot naman ng abnoy niyang kaibigan na nakikisakay sa itinuturing na niyang kaaway. Bakit pinapatulan ni Matrix ang ka-abnormalan ni Tomboy? Sabi niya sa isip, habang minamasdan ang dalawa. "Mali ka." -Losang "E ilan? Sige nga" -Matrix "Edi lima pa rin. Tumalon lang naman sa lupa 'yung isa, wala naman akong sinabing tumalon sa bundok HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" hagalpak ng Alien, parang tuwang tuwa ito sa sinabi. Pft! Anong nakakatawa roon? Ani Yuel na napapaismid pa. "Oo nga noh? Nakaisa ka doon ah." Sabi naman ng kaibigan niyang ngayon lang niya nalaman na nakakaintindi pala ng alien. "Heto pa, may dalawang butiki pumalakpak silang dalawa ilan na lang natira?" --alien "Uhm. Dalawa pa rin?" --Matrix "Hahahahahaha! Mali! Siyempre wala na,nahulog sila Hahahaha! Wala na silang pangkapit hahahaha!" Sabi ng alien na hawak hawak pa ang tiyan sa kakatawa. Napangiwi siya ng tumawa din si Matrix. Nagkasundo ang dalawang alien, Diyan na nga kayo! Aniya at iniwan ang dalawa. Bahala kang magutom Matrix, alien pa man din kaharap mo. Uubusin niya enerhiya mo. Patuloy niyang bulong sa sarili. __________________________________ ___________________ "Ang galing ko noh sir?" Bida bidang sabi ni Losang kay Matrix. "Oo nga," anito na minamasdan siya. Inayos niya ang sumbrero at nilabas ang bubblegum binuksan niya ang plastic gamit ang ngipin. Nang akmang kakainin na niya nag alangan siya. Pangit naman kung siya lang kakain. "Gusto mo?" Alok niya kay Matrix. Napangiwi ito at umiling. "Kunwari ka pa. Saglit," aniya at kinagat ito ang kalahati sa kanya at kay Matrix ang kalahati. "Oh," Aniya, Itinaas nito ang kamay na tila nandidiri. "Nandidiri ka ba?" Tanong niya sa binata. Nanlaki ang mata nito, "Hindi. Akin na," anito na tila napipilitan at kinuha ang kalahati at minamasdan ito na tila ngayon lang nakakita ng ganun. Dahan dahan nitong sinubo iyon habang pilit na nakangiti sa kanya, napapalunok pa ito. "Di ka mamamatay d'yan Sir," aniya na nakangisi. Nang maisubo ito dahan dahan nitong nginuya iyon. Pagkaraan ay napangiti, "Taste good," anito at nag thumbs up pa. "Sabi ko na sayo ee." Aniya na patango tango pa. Di naman pala mahirap pakainin to e. Bulong ni Losang sa sarili. "Maiiwan muna kita Sir, Na-eebak ako," paalam niya dahil medyo kumukulo ang tiyan. Dami niya kasing kinain sa mga luto kanina. "Na-e-ebak? Ano 'yun?" Naguguluhang tanong ni Matrix sa kanya. Nakakunot pa ang noo nito. Mga mayaman talaga oh. Ano ba english ng na-e-ebak?bobo ko talaga sa engish Bulong ni Losang sa isipan. Inilagay pa ang isang daliri sa ilalim na bata na tila nag iisip. "Ebak means, amh--" "Huh?" -Matrix Naku naman! Hirap pumick-up ng lalaking ito. Palibhasa mayaman! "Natatae ako Sir, oh hayan alam mo na?" Aniya na hindi man nahihiya at sabay nagtatakbo dahil palabas na ang kanyang naipong yaman. Muli napanganga na lang si Matrix na iniwan na naman ng pambihirang babaeng 'yun Pagkaraan ay tumawa siya ng marahan hangang maging hagalpak. Natutuwa talaga siya kay Losang. Sinasabi nito kung ano ang nasa isip without hesitation. Cool... ___________________________________ __________________ Nakita ni Yuel na pangiti-ngiti si matrix papasok sa dining Area kung saan Siya, sina Dox, yclyde, thrabis, throy together with his wife and his daughter, ang mama at papa niya ay nakaupo na. Parang sira ulo, nahawa na sa tomboy na alien.. Aniya sa isipan. "Where have you been?" ---Tyler "Nagpahangin lang." Anito na pilit sinusupil ang ngiti. "Nakipag-usap sa alien 'yan." Sabad niya. Pabulong lang sana kaso napalakas napunta tuloy sa kanya ang mga tingin ng kanyang kasama. "What?" Aniyang napakunot-noo sa mga kasama. "Umupo kana Mat, at ng makakain na tayo." Sabi ng mama niya kay matrix. Masaya naman ang dinner at maiingay talaga sila. Ganito sila kapag dumadating ang mga kapatid niya, "Yclyde darling, nakita mo ba ang mga bulaklak natin? Yumabong at gumanda sila," biglang sabi ng mama niya. "Oh that? Di pa Mama, maybe tomorrow?" -yclyde "Ay naku tignan mo bukas. Napakalamig ng kamay ni losang Kaya tuwang-tuwa ako sa kanya," Ang mama niya muli. "Really? Siya ba yung..." ---yclyde. Sabay tingin sa kanya ng nakangisi. Inismiran niya ang kapatid. "Yung hardinera natin?" Anito na muling tumingin sa pagkain. "Yes. That beautiful girl out there" sabi ng mama niya na tuwang tuwa. Napaubo siya dahil doon. Beautiful? My ass! Aniyang gustong matawa, nang tignan niya ang mga kasama sa kanya lahat nakatingin. Dumiretso siya ng upo, "You okay, baby?" Mama niya Nagtawanan ang mga barkada niya. "Baby yuel inom ka ng tubig baka mapano ka." Pang aasar ni Kaji sa kanya. Tawanan lahat pati mga kapatid niya, tinignan niya ng masama si kaji. "Baby yuel, palit ka ng diaper mamaya ah? " si Matrix Tawanan na naman. Damn! Kapag talaga kasama ang mga tropa niya hindi pwedeng walang asaran na nagaganap. "Teka, bakit tahimik si Baby Spike?" Ani kaji at si Spike na may baby talaga ang pangalan ang napagtripan. Sumimangot si Spike at kulang na lang batukan si Kaji na pinaka mapang asar sa kanila. "Enough. Baka magkapikunan na kayo." Awat ng mama niya na natatawa. "Baby, baby," hagikhik ng anak ng kuya Throy niya habang nakatingin kay spike na nagpatawa sa kanya. She's 10 months old, "Baby daw spike oh." Ani dox. "Inaasar ka ni sabri spike. Baby baby.." pang gagaya ni kaji sa pagsasalita ni sabri. Puro tawanan lang ang nagaganap sa dinner nila. _________________ ______________________ "Ang saya saya naman nila Manang Rose." Ani Losang na dinig ang pagtatawanan ng mga nagdi-dinner. Nasa kusina sila at lumalantak na naman, siempre nailabas na niya ang unang yaman. "Ganyan ang mga yan hija. Kuuh, kahit nga sila lang magkakapatid sobrang ingay," sagot ni manang Rosa na punas ng punas sa lamesa at lababo e malinis naman na. Ganun siguro kapag matatanda. Sina Madi, Deth, Aja naman ay nagpapahinga sa maid's quarter yung isang katulong stay out, si aling Nora. "Ang saya po pala ng pamilya nila," Aniya na malungkot na ngumiti. Natigilan ang matanda at tumingin sa kanya. "E ang pamilya mo? Hindi ba masaya?" Anang matanda. "Pamilya? Uso po ba iyon? " aniya na natawa, pilit itinatago ang lungkot. Naaawang nakatingin sa kanya ang matanda. "Mukhang malungkot ang background mo ha?" "Umh. Uhm" aniyang napatango-tango habang patuloy sa paglantak ng pagkain. "Pero hindi ka naman mukhang malungkot." -Mayordoma "Alam niyo po, ang pinaka palatawang tao sa mundo ang may pinaka malungkot na damdamin," Aniya na ngumiti. "Dinadaan ko na lang po sa kalokohan para maibsan yung kakulangan sa buhay ko. Kahit pa pakiramdam ko po kulang ang pagkatao ko, atsaka hayaan niyo na po iyon. Importante maganda ako." " Maganda ka ba? Joke lang." Biro ng matanda. Kunway inismiran niya ito na ikinatawa ng matanda. "Hala sige bilisan mo d'yan at pakitawag na sina Deth at kami'y magliligpit na ng pinagkainan maya-maya." Utos nito kaya mabilis siyang kumain para masabihan na ang dalawa. _________________________ _________________ "Guys may joke ako sa inyo." Biglang sabi ni Matrix sa kanila nang nasa verandah sila para doon uminom, pagkatapos mag-dinner. Nagpapahinga na ang mga magulang niya at mga kapatid. Napatingin sila dito, "May limang baboy nasa tuktok ng bundok, tumalon ang isa. Ilan na lang ang natira?" Anito Sabi ko na nga ba e.. Bulong ni Yuel sa sarili, "Wala na." Sabi ni kaji "Mali--" "Lima pa rin." Sbi ni Yuel na humalikipkip. Napatingin sa kanya si Matrix at tumango. "O heto isa pa, natyambahan lang ni Yuel yun e. May dalawang butiki, pumalakpak silang dalawa ilan----" "Wala na kasi wala na silang pang kapit." Pabida niyang sabi. Buti nalang talaga nakinig ako kanina kung hindi maloloko kami ng ogag na to... Napanganga si Matrix na tila na-disappoint. "Paano mo nalaman ?" Anito "Magaling ako e," aniya na pangiti-ngiti, napasandal si matrix sa kinauupuan. "Wala na?" Ani kaji "Wala na. Ayoko na." --Matrix "O sige ako na lang," ani kaji. "Saan nilibing si Jose rizal?" "Sa sementeryo?" --Spike Umiling si Kaji "Sa libingan ng mga bayani?" --Tyler Umiling si Kaji "Sa likod ng bahay namin?" ---Emeth Tinignan nila ito ng masama. Madalang na nga lang magsalita, kalokohan pa. Naglolokohan nalang kami dito ah. Aniyang napapailing. "E saan?" ---Dox "Sure kayo share it na?" Kaji "Yeah. Hirap ee."-Dox Umubo muna si Kaji, sila naman ay hinihintay ang sasabihin nito. Alam nila hindi maayos sagot nito. Knowing Kaji. "Ede sa Piso HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" anito na tawang tawa. Ito lang ang natawa habang sila ay nakatitig lang dito. "Heto isa pa. Ano ang sabi niya Rizal bago mamatay?" Hirit pa nito. Hindi pa talaga nakuntento sa unang joke. Talagang hihirit pa, nakita niya si Tyler na may magazine na ni'Roll,napangiti siya alam na niya gagawin nito doon. Siya naman ay hinubad ang pambahay na tsinelas at hinawakan 'yun pero patago. "O sige ano?" Tyler. "Share it na?" Anito na tinuro pa sila isa isa. Sabay -sabay silang tumango. "Edi 'kita kita tayo sa piso' HAHAHAHAHAHA!" Anito. Pilit silang napangiti "Ito ano to?" --tyler "Magazine"--kaji "E ito?" Aniya "Tsinelas?" Anito na tumigil na sa pagtawa.. Tumayo sila ni Tyler. "Pang ano ang mga 'to?" Aniya "T-teka.. teka pang hampas niyo na 'yan ee. " ani Kaji at akmang tatakbo pero nahawakan na siya nina Emeth. "Reward mo sa pag jo-Joke mo."-- Tyler. At sabay sabay nilang pinalo palo si Kaji. Napuno ng halakhakan ang veranda nila, Mga halakhakang na dinig na dinig hangang 1st floor ng Mansion ng mga Policarpio. "Stop it! Stop it! Susumbong kita kay Nathaly!" Sigaw ni Kaji sa kanya dahil hindi niya ito tinitigilang hampasin sa pwetan gamit ang tsinelas niya. Hindi pa rin siya tumigil at patuloy lang sila sa pang to-torture sa Joker ng grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD