"Bakit niyo ako iniwan?!" Asik ni Losang kina Madi nang maabutan niya ang mga ito sa gilid ng cottage nila at lumalantak na ng mga masasarap na pagkain. Tumawa lamang ang dalawa, habang punong puno ang mga bibig. Bago siya kumain, dinampot niya ang malaking tuwalya at ibinalot sa kanyang katawan. Pagkaraan ay dumampot na ng plato at nakisabay ng kumain. "Manang Rosa, bakit hindi ka maligo?" Usisa ni Madi sa matanda. "Opo. Tsaka kayo mag swimsuit."- Losang Nabaling sa kanya ang paningin ng mga kasama at pagkaraan at bumunghalit ng tawa. "Joke ba iyon, Losang?" Ani Deth sa kanya. "Aba, kapag pinag swimsuit mo iyang si Manang Rosa, maraming binatang magkakandarapa diyan sa dalampasigan." Pagsakay ni Mang Jose sa kanyang Joke. Muli silang nagtawanan. "Naku! Tigilan niyo nga ako, at ba

