"What?!" Bulalas ni Yuel nang malaman kung ano ang game nila for today. Stop dance. But with a twist again, per partner sila at may diyaryo. Tuwing titigil ang musika, sa diyaryo sila aapak ng partner niya hangang sa paliit ng paliit ang tupi ng diyaryo. "Isa lang mananalo dito. Ang partner kagabi ang siya pa ding magkapareha ngayon, gets? " Sabi ni Mrs. Policarpio. "No! Iba na lang ang partner ko." "No." Sabi ng mama niya na nginisian pa siya. "Then I won't join the game." "Yuel!" Sabi ng kanyang ina na may pagbabanta sa tinig. "Fine!" Wala siyang nagawa kung hindi sumang ayon na lamang. "That's my boy." Kita niya sa gilid ng mga mata niya ang pangisi ngising si Losang, habang nakatingin sa kanya. "Okay, let's start guys!" Lumapit sa kanya si Losang dala ang isang Diyaryo.

