Pagkatapos ni Losang sa lahat ng gawain at nakapagpahinga na, nagtungo na siya sa swimming pool. Maglalangoy siya gaya ng plano niya kanina. Nagsuot siya ng shorts na kulay itim at itim na sando. "Yes! Sa wakas makakalangoy na naman!" Kausap ng dalaga sa kanyang sarili. Tumalon siya at nag umpisa ng maglunoy sa tubig. Nakaka-relax. Nag floating pa siya, naglangoy mula sa mababaw na bahagi hangang sa malalim, tapos babalik ulit. Nasa sampung minuto na siya nang maisipan niyang sumisid. Mula sa mababaw at pabalik, gustong gusto niya talaga sa tubig. Ngunit nagulat si Losang nang pag ahon ng ulo niya ay nakatayo sa gilid si Yuel. Wala pang itaas at naka-boxer short lamang, nasa mga bewang nito ang dalawang kamay at naka kunot ang noo sa kanya. Sunod na sunod na napalunok si Losang nang m

