Kasalukuyang nakikipagkwentuhan si Yuel sa mga kaibigan niya. "Where's Losang?" Kunwa'y tanong niya. Pero alam naman niyang hindi makakapunta ang hardinera nila dahil sa nga sinabi nito. Ngumiti ng malawak si Matrix, pagkatapos ay lumagok ng alak sa hawak na kopita. "Wait and see," makahulugan nitong sabi sa kanya. Napataas ang isang kilay niya. Ano naman ang binabalak nito? "Bakit mo pala hinahanap si Losang?" sabat naman ng mapang asar na si Kaji. Binalingan niya ito. "I am just making sure na wala siya rito. Masisira niya kasi ang gabi ko." "Parang negative ata ang plano mo? Wala pa rin bang resulta?" Pang aasar ni Dox. "Relax. Wala pang isang buwan," aniya rito. Nagtawanan ang mga kaibigan niya. "Mukhang hindi tumatalab kay Losang 'yang alindog mo ha?" Sabi naman ni Emeth na

