Tinulungan ni Felix na magbihis si Angelique. Umupo silang muli sa couch. They were hugging each other at malalim pa ang mga hinga. "May ipakilala ako sa'yo, Felix. I love him too. Dalawa na kayo na minamahal ko," ani ni Angelique. "Angelique! I am monogamous. Hindi ako papayag na may kahati sa'yo! Kung nakikipag ayos ka sa akin para lang pumayag ako sa set-up na 'to ay umuwi ka na lang!" Natawa si Angelique. Inalis ni Felix ang pagkakayakap sa asawa at mabilis tumayo. "Anong nakakatawa? Kailangan mong mamili sa amin! Hindi pwedeng dalawa!" Magsasalita pa sana si Angelique ng-- "--Mommy!" Napalingon si Felix sa maliit na bata na patakbong lumapit sa kanilang kinaroroonan. Mabilis itong yumakap kay Angelique na nakaupo pa rin sa couch. "Siya ang ipakikilala ko sa'yo Felix. Si Fly

