"Masyado naman 'atang seloso ang asawa mo?" pagbibiro ni Oscar at tumawa pa ito na ikinagulat ni Angelique. Kasalukuyan silang nasa pool side upang mag-usap. Napilit din niya si Felix na makapag-usap sila ng dating kasintahan. Nakita pa niya kung paano ito nag walk-out na animo'y bata na nagdadabog. Tumango lamang si Angelique. Hangga't maaari ay ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol dito. Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Oscar at naglakad malapit sa pool. Nilagay nya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Nakamasid siya sa swimming pool. "I can't imagine living a happy life without you being part of it, Angelique... ...there will never be a day when I won't think of you..." He stopped and turned around. Pinagmasdan niya si Angelique na nakaupo at matamang nakatingin sa kanya.

