"Ma'am Angela, ang dami namang tsokalati nito baka lalo akong tumaba," pagbibiro ni Perla na lumalabas din ang tunog probinsya. "Edi huwag mong kainin. Ipamimigay ko na lang sa mga kumare ko," sagot naman ni Angela na ina ni Angelique. Sa dati nilang tinitirahan dineretso ni Angelique ang magulang. Kasalukuyan silang nasa sala at naghahalungkat ng mga pasalubong na dala. "Hindi naman kayu mabero madam! Pagnabigay na dapat wala ng bawean," natatawang sagot ni Perla. "Para sa'yo anak." Inabot ng kanyang ama ang maliit na kahon na may brand name ng mamahaling pabango. Kinuha niya ito. Napansin ng kanyang ama ang suot niyang singsing. "Dad, ang mahal nito dapat ay hindi na kayo nag-abala pa." "Ang ganda ng singsing mo, huh?" Pagbabaliwala ni Thomas sa sinabi ng anak. Dumaloy ang

