Kaagad lumapit si Onse, akmang hahawakan ako, pero umatras ako. Matiim akong tumitig sa kanya na bakas ang guilt sa mukha. “Daisy," pabulong niyang bigkas sa pangalan ko. Nahagod din nito ang buhok at saka bumuga ng hangin. “Bakit ka nagsinungaling?” tanong ko. Bakas sa boses ko ang tampo, sakit, at dismaya. Tiwalang-tiwala ako sa kanya. Kahit duda ako sa pagdating ng mga pulis kanina, isinawalang bahala ko, pinili kong maniwala sa sinabi niya. Pinanghahawakan ko ang pangako namin sa isa't isa. “Daisy, please, let me explain—” Umiling-iling ako na sumabay na rin sa pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. “Ang sabi mo, nahulog ka…ginawa mo akong parang bata, Onse! Pinaniniwala mo ako sa gawa-gawa mong kwento.” Putol ko sa pagsasalita niya. “Ano pala ang silbi ng pangako nat

