DAISY Nagising ako dahil sa matinding sakit ng ulo. Mga mata ko, hindi ko rin halos maidilat. Pisil-pisil ko na ang sintido ko, mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Matapos ang ilang minutong paghilot sa sintido ko ay nagawa ko na ring imulat ang mga mata ko. Ang puting kisame ang unang bumungad sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Nakamot ko pa ang aking ulo. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi. Napakibit-balikat naman ako, siguradong si Charmaine ang naghatid sa akin. Napa-unat ako ng mga kamay ko kasabay ang paghihikab. Kaya lang, imbes ginhawa ang maramdaman ko sa pag-uunat, kaba ang bumalot sa akin. Pigil hininga kong inaangat ang aking kamay mula sa mabuhok, matigas, at malapad na nahawakan ko. Dahan-dahan akong gumalaw, umupo, at saka, parang robot na lumingo

