Matapos ang tension na naganap sa courtroom at banta ni governor kahapon na nagpakaba sa akin ng husto, nag-decide si Onse na ‘wag munang pumasok. Sasamahan niya raw ako, babantayan, hanggang mawala ang takot ko, pero focused niya, sa trabaho pa rin. Ako naman, puro titig lang sa kanya. Kunwari ay nagbabasa nga ako ng nobela, pero mata ko naman nakapako sa kanya. Ang gwapo ‘e. He was so effortlessly captivating, even when he wasn’t trying. Kaya lang, kainis na hah. Kanina pa ako rito sa harap niya, at malamig na rin ang kape na tinimpla ko para sa kanya, pero hindi niya pa rin ako tinapunan ng tingin. Tumikhim ako. Binago ko rin ang aking angulo, pero wala talaga. Para din siyang kape, nanlamig na. Napasimangot tuloy ako, at pabagsak na sumandal. “Onse…” tawag ko sa kanya sabay tiklop

