28 "Attacked"

1348 Words

Banayad na haplos sa pisngi ko ang gumising sa pagtulog ko. It was my sister, Charmaine. Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian ng matamis. "Kuya Onse. Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako. Alam mo ba ‘yon?" Nanginginig ang boses niya, parang maiiyak. “Ano ba ang pumasok sa utak mo at nagpabaya ka sa sarili?” Sunod-sunod ang tanong niya. Hindi ko na nga alam kung alin ang unang sasagutin. Ibubuka ko pa lang kasi ang bibig ko, may tanong na naman siya. “Hindi ako nagpabaya, talagang nadali lang ng masamang panahon.” “Nadali ng masamang panahon, o nadali ng masamang babaing makapal ang mukha…” Inismiran niya ako, pero hindi naman nawala ang pag-aalala sa akin. “Charmaine…” “‘Wag mo nang ipagtanggol ang babaing ‘yon. Aware ako sa ugali no’n, ikaw lang ang hindi.” “Tam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD