Matapos sabihin ni Vincent ang hindi kaaya-ayang salita at mag-iwan ng matalim na tingin, agad na siyang umalis. Hindi na nga ako nakapagsalita pa, napatulala na lang ako habang nakatingin sa saradong pinto. Ano ‘yon? Bakit niya ‘yon sinabi? Anong ibig niyang sabihin? At saka, anong karapatan niya na umakto ng gano’n? Sira-ulo ba siya? Naging loyal ako sa kanya. Kahit pa sabihing rebound ko lang siya, minahal ko pa rin siya. Naging totoo ako. Pigil akong bumuga ng hangin. Pinapakalma ang puso kong naiinis sa kanya. Ayaw ko sanang magkaroon kami ng samaan ng loob, kaya lang mukhang malabo na ‘yon. Ilang ulit pa akong bumuga ng hangin. Sinubukan kong burahin ang unsettling feeling na iniwan ni Vincent. Napalingon lang ako nang gumalaw si Onse. “Onse…” Ngumiti ako. Pinilit ko na ‘w

