I was about to speak, sasagutin ang salitang sandaling nagpagulo ng utak ko, pero hindi natuloy dahil sa tunog ng kotse na pumarada malapit sa waiting area. Napalingon ako, at napangiti nang makita si Vincent. Naiinis ako sa kanya dahil late siya, pero masaya ako dahil may rason na ako na iwasan na lang ang sinabi ni Sir Onse. Matapos kong ngitian at kumaway kay Vincent, binalik ko naman ang tingin kay Onse na halatang pinipigil ang hininga. Hinihintay yata ang sasabihin ko, o naiinis sa pagdating ni Vincent. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. “Masaya po ako, Sir Onse,” sabi ko sa mahinahon na boses. At saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Napatulala ako. Tumango-tango kasi siya, ngumiti pa. Parang expected na niya na ‘yon ang isasagot ko. “Sige na, puntahan mo n

