Mag-aalas otso na ng gabi ng katukin sila ni Jack at sinabi nitong inaanatay na sila ng kanyang mga magulang para sa hapunan. Saglit niyang sinipat ang sarili sa salamin at inaya na ang kanyang mag-ama na bumaba. Inabutan niyang nakaupo sa isang twelve setter na dinning set ang kanyang Mommy at Daddy. Akala mo ay fiesta dahil sa iba't ibang putahe na nakahain sa lamesa. Mostly ay mga filipino dishes na paborito niya. Nag-angat ng paningin ang ina niya ng mapalapit sila dito. "Nakapagpahinga ba kayong mag-asawa ng maayos? Kent, hijo?" baling nito sa asawa niya. Ngumiti ang kanyang asawa. "Opo. Maraming salamat po." Bumaling naman sa kanya ang ina. "Okay ka lang ba, anak?" "Mom, how can I not be okay when you gathered all of them just to accommodate all our needs." Tuk

