Halos lumuwa ang mata ni Kent ng makita niya ang dalaga sa karatig bahay. Kahit medyo malayo iyon ay hindi siya magkakamali sa pagkilala sa babaeng pinakamamahal. Bahagya niya pang ginusot ang mga mata, baka nga dinadaya lang siya ng kanyang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay si Jessica talaga ang naroroon. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kung sumasakit ba ang tiyan niya o natatae siya? Buwisit? Ano ba itong nangyayari sa akin?Dapat ay kanina pa ako kumaripas ng takbo papunta sa dalaga ngunit tila ba naging estatwa na siya sa kanyang kinatatayuan. Anak ng tokwa naman oh! Ngayon pa siya tinamaan ng magaling. Hindi niya namalayan na unti-unti na siyang dumadaos-dos sa sahig. "Lintik ka, Guevarra! Ngayon ka pa talaga hihimatayin kung kailan nakita mo na si boss?

