Halos panawan siya ng ulirat ng makita niya ang ipinadalang picture ni Scarlet. Kuha iyon ni Jessica mula sa kanyang bar at nakaupo ito sa madilim na bahagi. "Anong ginagawa ni Jess doon? Kahit kailan talaga, napakatigas ng ulo mo!" sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. Ilang beses na niya itong pinagsabihan na huwag ng magpupunta roon ngunit sadyang matigas din ang ulo nito. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis subalit napigilan siya ni Lance. "What?" gigil niyang tanong sa kapatid. "Where do you think you're going? It's almost past midnight," kunot noo nitong tanong sa kanya. Masyado rin sigurong preoccupied ang kanyang isip kaya hindi na niya napansin na nakasunod si Lance at Hunter sa kanya sa may garahe. He sighed. "May kailangan

