"PARANG naggo-glow ka yata ngayon, Kuya. Iba talaga 'pag naka-date mo na 'yong minamahal mo, ano? Grabe talaga 'yong effect ng love. Yiiee! Sana all!" nakangising panunukso ni Madel sa kaniya sa gitna ng kanilang hapag-kainan. Hinampas pa siya nito sa braso dahil magkatabi sila. "Shut up, Madel," saway niya sa kapatid habang napasulyap sa mga kasama niyang kumakain ng breakfast. "Pinakita sa 'kin ni Madel 'yong p-in-ost mo, hijo. Ang ganda naman pala ni Delaney," kumento ni Manang Evelyn. "Salamat, Manang," nahihiyang tugon niya. "Wow! Proud na proud, Kuya," natatawang saad ni Madel. "Why don't you invite her here?" suhestiyon naman ng daddy nila. Lihim siyang nagpakawala ng buntong-hininga. "I'm still not sure when to invite her, Dad. I don't know. Baka nga galit na 'yon sa 'kin nga

