Chapter 2

1271 Words
NAPABALIKWAS si Delaney mula sa pagkakahiga nang marinig ang malakas na pagtunog ng kaniyang cellphone. Nasa tabi kasi ito ng kaniyang mukha at likas sa kaniya ang madaling magising kapag nakakarinig ng ingay. Alas onse na ngayon. "Hay, nakakainis naman!" sambit niya sa inis dahil naputol ang kaniyang magandang panaginip. Ayon dito, nakasakay raw siya sa eroplano at may nakatabi siyang isang guwapong lalaki. Nakasandal siya sa dibdib nito at nakaakbay naman ito sa kaniya. In short, may jowa siya sa kaniyang panaginip na salungat naman sa tunay na buhay. Very single and ready to mingle si Delaney in real life. Akmang sasagutin na niya ang cellphone niya ngunit naging missed call na ito. Tiningnan niya kung sino ito. "Bakit naman kaya napatawag si Danica?" taas ang isang kilay na tanong niya. "Walang kwentang tsismis na naman siguro ichi-chika nito," dagdag pa niya. Muntik naman siyang mapatili sa gulat nang tumunog ito ulit. Dahil kilala niya ang kaibigan, huminga siya nang malalim at bumuga ng buntong-hininga bilang paghahanda sa pagsagot ng tawag. "Hel—" "OMG! Delz!" Nailayo agad niya sa bandang tainga ang kaniyang cellphone dahil sa lakas ng pagtili ng kaibigan niya sa kabilang linya. Napangiwi pa siya dahil dito. Ang tinis kasi ng boses nito. Nang matapos ang tili ng kaibigan ay humalakhak ito. Nakapamaywang na lamang si Delaney ng isang kamay habang ibinalik sa tapat ng tainga niya ang cellphone. "Hay, baliw talaga ang bruhang 'to," palatak niya. "Sorry, Delz," natatawang suyo ni Danica. "So, ano? Sasabihin mo ba kung bakit ka napatawag sa 'kin or sasabihin ko kay Sir Julius na kinain mo 'yong favorite niyang spaghetti sa mesa niya at hindi mo siya tinirhan kahit isang hiwa ng hotdog man lang?" "Hoy, Delz! Huwag mong gawin 'yan! Baka tambakan niya ako ng maraming gawain kapag nalaman niya ang tungkol do'n! Ang dami ko pa ngang gagawin, eh! Bwisit na Sir Julius na 'yon! Ang daming pinapagawa sa 'kin. Tapos—" "Ano ba kasi ang itsi-tsismis mo, Danz? Huwag na kasing magpatumpik-tumpik pa. Boom karakaraka," hirit ni Delaney na pagkuwan ay ikinahalakhak nilang dalawa. "Walang hiya ka, Delz! Pinatawa mo ako. Akala ko naman galit kang bruha ka. Inaawit mo lang pala ang kanta ni Meme." Tumikhim naman si Danica pagkatapos sabihin iyon. "Oh, siya, sasabihin ko na. Ready yourself because it's a good tsismis. Now, you breathe in and breathe out." Parang utu-uto namang sinunod ni Delaney ang sinaad ng kaibigan. Napakamot na lamang siya ng ulo sa kabaliwan ni Danica. "Done," aniya rito. "Tanggap ka na raw sa trabaho sabi ng HR Manager ng company na pinagtatrabahuan ko, Delz!" tili nito. Nanlaki ang mga mata ni Delaney sa narinig mula sa kaibigan. "T-talaga?!" bulalas niya. "Oo, Delz! Narinig ko kasi kanina si Sir Martin at si Miss Yeng na nag-uusap after ng meeting kanina sa conference room. Nabanggit ni Miss Yeng 'yong last name mo and she said that you have the potential. Qualified ka raw." "Naku, baka hindi ako 'yon. Baka may iba pang Vergara ang nag-apply." "Wala na, 'no. Ikaw lang ang Vergara doon." "Kung gano'n, mabuti nama'n. Magkakasama na tayo lagi dahil same na tayo ng company." "Yeah, right. Maraming tsismis dito, Delz. Kaya sulit ang chikahan natin. Charot lang," hirit ng kaibigan niya sabay halakhak. "Gaga ka. Tsismosa mo talaga," ganting sabi niya at napairap na lang. "Gaga, ikaw rin kaya. So, 'yon ang tsismis ko this morning. Check your e-mail, Delz. Baka nag-send na si Miss Yeng sa 'yo." "Sige, Danz. Thank you talaga, ha." "Kembot to the right, kembot to the left. No problem, Delz. Bye," paalam ng kaibigang likas na madaldal at masayahin. Nang binaba na ni Danica ang tawag, huminga nang malalim si Delaney saka tiningnan ang e-mail niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bumulaga sa kaniya ang unang notification. It was from Triple MZ Corporation, isa sa mga sikat na mga kompanya sa Pilipinas pagdating sa insurance, healthcare and other financial services. Dito nagtatrabaho ang kaniyang kaibigang si Danica. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang message na ito. Pagkabasa niya rito ay bumilang agad siya ng one, two and three at... "May work na ako! Waahh! Thank You so much, Lord! I love You! Mwah!" pagtitili niya sa labis na kasiyahan at nag-flying kiss din sa taas upang ihatid iyon sa Maykapal. Isang karangalan para sa kaniya ang makapagtrabaho sa kompanyang iyon dahil bukod sa sikat ang kompanyang iyon ay mahirap din makapasok doon. Binalak niyang mag-apply roon pagka-graduate niya ng college sa kursong Business Administration, Major in Marketing Management. Pero inunahan siya ng kaba at natatakot na hindi pumasa sa exam at hindi matanggap dito. Kung kaya't sa ibang kompanyang hindi ganoon kasikat siya nag-apply. Pumasa naman siya at natanggap din ngunit sa kasamaang-palad, matapos ang ilang taon niya roon ay tinanggalan siya ng trabaho sa hindi malamang dahilan. Naghanap siya ng ibang trabaho ngunit hindi siya pinalad sapagkat ang mga kompanyang iyon ay tinanggap lamang ang mga may kapit, koneksiyon o kung may kakilalang empleyado roon. Sa madaling salita, ligwak si Delaney na siyang ikinainis niya. Labis naman ang pangungulit ni Danica sa kaniya na subukang mag-apply sa Triple MZ Corporation. Hindi bale kung matanggap man o hindi. Basta't ang mahalaga ay sinubukan niya at ginawa ang makakaya niya. Isa pa, walang kapit-kapit sa kompanyang iyon. Matatanggap ka kapag nararapat ka. Umayaw siya noon at matapos ang hindi mabilang na beses na pangungulit at pangungumbinsi ni Danica ay napapayag din siya. Parehong matalino ang dalawa kahit na may pagkaloka-loka. Sadyang takot lang mag-apply ni Delaney sa mga bigating kompanya dahil baka hindi siya matanggap. Kung kaya't ganoon na lamang ang kaniyang naging aksiyon noon. Pero ngayong sinubukan niya rin sa wakas ay labis ang kaniyang kaba at takot. Sa sandaling ito naman ay umaapaw ang kaniyang kaligayahan. Tumalon-talon pa siya sa ibabaw ng kama ni Joross. KARARATING lang ni Joross sa apartment niya mula sa trabaho. Umalis na kasi siya kanina at hindi na niya ginising pa si Delaney dahil ang himbing ng tulog nito. May iniwan lamang siyang note na idinikit niya kanina sa refrigerator. Ayon sa note ay may pagkaing niluto siya at nasa loob ng refrigerator ito. Initin na lamang ni Delaney kung lumamig na talaga ito. Nagtaka naman siya ngayon kung bakit parang may naririnig siyang ingay sa loob ng kuwarto niya. Kumatok siya sa pintuan. "Delaney?" tawag niya ngunit hindi siya narinig nito. Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang tumatalong si Delaney sa kama niya. Napangiti naman siya rito dahil bakas sa mukha nito ang sobrang saya. "Kuya!" Tumalon ito sa sahig mula sa kama at niyakap siya. Naguguluhan man ay niyakap na rin niya si Delaney. "May good news, ano?" nakangiting saad niya. "Kuya, natanggap ako sa TMZ," naiiyak na sabi ni Delaney. "Talaga?" natutuwang sambit niya. "Oo, Kuya. Tinawagan ako ni Danica kanina. Nabasa ko na rin 'yong e-mail galing sa Recruitment Division ng company." "Aba! Mag-celebrate tayo sa magandang balitang 'yan. Libre ko na. Tara?" anyaya ni Joross matapos nilang bumaklas sa pagkakayakap. "Totoo 'yan, ah?" anito na nakangiti. "Oo nga. Hindi mo yata kinain ang niluto ko kanina, eh." "Ay, sorry, Kuya. Ang tagal kong nagising." Nag-peace sign si Delaney. Ngumiti naman nang malapad si Joross. "Sige na. Maghanda ka na. Kain tayo sa restaurant na gusto mo." "Okay." Lumabas na si Joross. May damit namang naiwan si Delaney sa apartment niya noong minsan na itong nagpalipas ng gabi sa apartment niya. Iyon na lamang ang susuotin ni Delaney.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD