NARINIG niyang dumighay si Aljur matapos nitong uminom ng malamig na tubig. Katatapos lang nilang kumain. Breakfast and lunch na nila iyon dahil tanghali na silang bumangon. Sa gitna ng pagluluto niya kanina ay labis ang kaniyang pagkailang at habang kumakain ay walang masyadong imikan na nangyari dahil doon sa ginawa nila sa loob ng silid. "Tapos ka nang kumain. Uwi ka na," sabi niya sa binata pagkatapos ng mahabang katahimikan. "I'll just rest for a while. Katatapos lang natin kumain, 'di ba? Binubugaw mo na agad ako," pagtatampo nito. "Hala, sige! Rest ka na ro'n sa sofa. Ako na magliligpit dito." Isa-isa na niyang nililipat sa lababo ang kanilang pinagkainan. Lumakad na ito palago. "Yes, boss. Grabe! Busog na busog talaga 'ko basta't dito ako kumakain. Thank you, Delaney, sweetie!"

