Chapter 40

1131 Words

ISANG oras matapos ang breakfast ay game na game na si Delaney na puntahan ang kaya nilang puntahan ni Aljur. "Game ka na ba?" tanong ng lalaki sa kaniya. "Game na!" masigla at excited na sagot niya. At hindi na nila sinayang ang oras at dinaluhong na nila ang unang pupuntahan nila. Nagsimula sila sa Gyeongbokgung Palace na pinakapangarap na mapuntahan ni Delaney dahil sa gusto niyang makapagsuot ng hanbok na wari'y isa siyang babaeng bida na nasa historical na K-Drama. Nagsuot din si Aljur sa katumbas na panglalaking kasuotan at panay kuha sila ng mga litrato. Matapos niyon ay iba naman ang sinugod nila. Kagaya ng Blue House na siyang Korean na bersiyon ng Rose Garden. Pinuntahan din nila ang Bongeusa kung saan napakatahimik ng atmospera sa kabila ng mga gusaling nakapalibot sa paligi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD