"MRS. Davis, pinapatawag ka raw ni Sir Davis sa office niya," nakangising paalam sa kaniya ng katabing si Shell nang dumating ito galing sa workstation ni Miss Bethy. "Bakit na naman daw?" usisa niya kay Shell. Lagi kasing nangyayari itong pinapatawag siya ng asawa sa opisina nito dahil magpapamasahe, magpapasama ng pagkain, magpapatulong sa gagawin, kapag nami-miss agad siya nito, at kung ano pang rason nito. "Gagawa na naman daw kayo ng baby," panunukso ng isa sa mga lalaking kasama nila sa workstation nila na nasa tapat niya. Nagkantiyawan ang mga nasa Marketing Department kaya namumula na lang ang kaniyang pisngi sa hiya. "Kayo, ha. Tigil-tigilan n'yo 'ko. Hinding-hindi ako magpapatusok. Kita n'yo namang lumalaki na ang tiyan ko, oh," saway niya sa mga ito sabay haplos sa tiyan niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


