ISANG linggo ang lumipas, inilibing na rin ang ama nilang dalawa ni Fabio. Magkatabi sila habang parehong umiiyak. Isa-isa na ring lumisan ang mga taong nakiramay. Mayamaya, lumapit sa kanila ang pamilyang Vergara at nagpaalam sa kanilang mauuna na. Tumango lang sila sa mga ito. Kasunod nama'y si Mike Vivar. Ilang saglit pa'y naiwan na lamang silang tatlo ni Aljur na ngayo'y nasa di-kalayuan lamang at hinihintay si Delaney. Makalipas ang ilang minutong pagtitig sa puntod, nagsalita si Fabio. "Bago ko nalamang may stage four colorectal cancer si Dad, unti-unti ko na siyang napapatawad that time. I had finally forgiven him matapos naming mag-usap nang maayos, pinakaseryoso, walang awayan, 'yong pag-uusap na may puso. Noon kasi, we always fought because I blamed him and your mom for my mom'

