UNTI-UNTING napadilat ng mga mata si Delaney. Natagpuan niya ang sarili na nasa pamilyar na silid. Napagtanto niyang nasa kaniyang silid na pala siya. Inalala naman niya ang nangyari bago siya napadpad dito. "Aljur..." mahinang banggit niya matapos ang huling alaala kung saan nasa loob sila ng kotse ng binata. Sa huling alaalang iyon ay nalaman niyang nakatulog siya roon. Dahil sa labis na pagod niya at madalas na hindi nakatulog sa mga nagdaang mga araw dahil sa kaiisip sa trabaho, nakatulog din siya sa wakas doon sa kotse ni Aljur at heto siya ngayon at hindi alam kung gaano siya katagal na nakatulog. Nasamyo naman ng kaniyang ilong ang mabangong amoy ng mga bulaklak kaya binaling niya ang tingin sa tabi. Nasilayan niya ang nakapumpon na mga bulaklak na wari'y natutulog din kagaya niya

