NAPAPITLAG si Delaney nang biglang may bumusinang sasakyan malapit sa bandang kanan niya. Paglingon niya rito, nakita niyang nakatunghay sa bintana ng kotse ang lalaking feeling close sa kaniya. Nakasunod ang sasakyan nito sa kaniya at binagalan lang ang takbo nang hindi niya napapansin. "Come on, get in my car. Hatid na kita," pang-aaya nito. "It's already dark," dagdag pa nito." Naalala niyang ganito rin iyong sinabi nito sa kaniya noong nando'n sila sa Puerto Princesa. Nagtataka naman siya kung bakit ibang kotse ang gamit nito ngayon kaysa dati. "It's my car here in Taguig. The one you saw in Puerto Princesa is also mine," anito nang tila nakuha nito ang tanong ng mukha niya habang nakatingin sa kotse. "Mind reader ba ang lalaking 'to?" anang isip niya. "Nope. I just noticed your f

