Caleb POV* Nagising na nga siya pero di pa siya nagsasakita. "Dylan, kinuhaan ka ba ng dila?" "Oo nga bakit di ka nagsasalita nakalimutan mo na ba kami? Ako ang Ama mo, Dylan," pag iinarte ko para magsalita na talaga siya. Bigla kaming binatukan ni young Master Euno at napapout kami habang nakatingin sa kanya. "Young Master naman eh. Bakit mo kami binatukan?" "Di ba ninyo alam na nasa state of shock pa siya? Iniisip o binabalik pa niya lahat ang nangyari nung kinuha sila ng mga rebelde. Di naman siya nagka amnesia, para kayong mga sira diyan." Napakamot kami sa ulo. Ganun pala yun? "Galit ka, young Master?" "Ewan ko sa inyo. Maghintay tayo kung kailan siya gagaling. By the way naka update ka na sa Dad ko?" "Opo, pero by via text lang po dahil nasa operasyon siya ngayon." Tumango

