Luna POV* Nagising ako sa umaga at nakita ko si Juno na nakangiting nakatingin sa akin. Agad akong napatakip ng mukha baka may muta pa ako o baka naglaway ako. Narinig ko na natawa siya at hinalikan niya ang noo ko at tiningnan ko siya. "I love you, my Wife." Namula ako sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko kinikilig pa din ako pag sasabihan niya ako ng ganun? "Wife, gusto mo ba ng exercise?" Napakunot ang noo ko at agad umiling dahil mukhang kakaibang exercise ang gagawin niya sa akin. "Ayaw mo? Nandoon din ang mga kapatid mo sa baba kasama ang mga gwardya nagexercise sila for training." Nanlaki ang mga mata ko at agad napaiwas ng tingin. Ano ba yang iniisip mo Luna! Ang dumi dumi ng isipan mo! Naramdaman ko na may yumakap sa tyan ko at niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan

