Luna POV* Nag impake kami ng gamit dahil uuwi na kami ng Italya kung saan kinulong nila si Jett. Pero hindi lahat ang inilagay namin dahil may mga gamit din kami doon. "Wife, tapos ka na ba?" Tumingin ako kay Juno at tumango. "Sila na ang bahala niyan tayo na bumaba na tayo baka nandoon na sa baba ang mga anak natin." Inilahad ni Juno ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman iyon. Kahit hindi pa man kompleto ang memories ko sa kanya at nararamdaman ko na mahal ko talaga ang lalaking ito. Siya ang bumuo sa akin. Sa ilang taon na kami lang dalawa ng anak ko ay pakiramdam ko talaga na may kulang at ngayon ko pa narealized na siya talaga ang kokompleto talaga sa buhay ko. Nung gabing nag isang katawan kami ay iyon ang pinakamasayamg gabi sa buhay ko at nung araw na nakita ko siya

