3rd Person's POV* Walang tigil ang lahat sa paghahanap kina Luna at Dylan. Mapa araw o gabi ay wala silang tulugan dahil di nila alam kung buhay pa ba ito o wala na. Hindi sila titigil hangga't hindi sila makakakita ng katawan mismo nina Dylan at Luna. Maski ang Asawa nitong si Juno ay walang tigil sa paghahanap sa Asawa niya at sumasama palagi si Euno sa paghahanap at maski siya ay walang pahinga at galit na galit sa mga kumuha sa Mom niya at kapatid niya. "Mom, nasaan na kayo? Sana maayos lang kayo ni Dylan at ni Baby." Mahigpit siyang napahawak sa hawakanan ng upuan niya at parating tumingin sa paligid. Naiinis siya sa sarili niya dahil wala man lang siyang maitulong at ganito lang ang parating ginagawa niya. At pakiramdam niya mahina ang proseso sa paghahanap sa Mom niya. Biglan

