WORTH IT “WOW! Ang ganda naman pala dito, Agnes!" Bulalas ni Allen pagkababa pa lang namin sa kotse. Paglapat ng paa ko sa sementadong daan ay suminghap ako ng malalim. Sa tinagal-tagal ko sa Butuan ay hindi pa ako kailanman nagawi sa bahaging ito ng siyudad. Though matagal ko nang naririnig noon pa man ang Residence Palms Resort. Maraming nakapagsabi na napakaganda nga raw dito kaso napakamahal. Pero mukhang sulit naman ang ibabayad dahil nakakamangha naman din talaga ang tanawing bumulaga sa amin. Bungad palang ay makikita na kaagad ang kagandahan ng limang palapag na hotel. Kulay puti ang pintura ng buong estbalishment. Very tropical ang ambiance dahil na rin sa mga nipa huts na nakalagay sa gilid patungo sa beach. May mga maliliit na puno ng niyog din na sadyang hinilira sa

