WAKAS I SIGHED for the nth time. Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin habang sinusuri ang aking sarili. Halata na ang umbok sa aking tiyan. Para akong nakalulon ng pakwan na maliit. Limang buwan pa lang naman pero halata na kahit maluwag na dress ang suot ko. I pouted my lips. Parang gusto ko tuloy magsisi kung bakit pumayag ako sa gusto ni James. Pakiramdam ko tuloy ang pangit pangit ko ngayon kahit pa gandang ganda sila Elena sa pagkakaayos nila sa akin kanina. Paikot-ikot ako sa harap ng salamin. I am wearing a lacy, white off-shoulder, empire waist dress courtesy of Veronica who designed it. It's indeed perfect for my body shape. I fell in love with it the moment she laid it on the bed. Simpleng diamond stud earrings lang din ang sinuot ko for my accessory. "Can

